Janella sa pakikipagbalikan kay Markus Paterson: ‘Hindi ko pa iniisip ‘yun’

Janella sa pakikipagbalikan kay Markus Paterson: ‘Hindi ko pa iniisip 'yun'

PHOTO: Instagram/@superjanella

NAG-OPEN UP ang aktres na si Janella Salvador tungkol sa co-parenting situation nila ng dating partner na si Markus Paterson, pati na rin ang kanyang saloobin pagdating sa pagpasok sa isang bagong relasyon.

Sa panayam with veteran journalist na si Karen Davila, unang ibinahagi ni Janella ang mga kinatatakutan niya sa pagiging single mom ng dalawang taon.

“Siguro ‘yung pinaka worry ko ano kaya ‘yung magiging effect psychologically kay Jude. Kasi growing up aminado naman ako meron rin akong issues because I grew up with an incomplete family,” sey niya.

Paliwanag niya, “Worry ko kung paano ko maiiba ‘yun for Jude. Ayoko ‘yung mga trauma ko mamana rin niya.”

“Ayoko maranasan rin niya, ‘yung mga emotional things na pinagdaanan ko,” saad pa niya.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero…

Kasunod niyan ay pinuri niya si Markus dahil nag-e-effort itong magbigay ng oras upang makasama ang kanilang anak.

“We were very young. It took a toll on our relationship. When Jude came, he wasn’t fully prepared,” pagbabahagi niya.

Chika pa niya, “Ako kasi, I’ve always wanted to be a mom, and I took it upon myself that once this baby arrives, I’m going to give everything I can. I’m going to raise him to the best of my ability.”

“We’re actually co-parenting. He makes an effort to see Jude every now and then,” sambit pa ng aktres.

Kwento pa niya, “Kapag wala siyang work hinihiram niya si Jude, and that’s something I appreciate, ‘cause I think presence is something very important for a kid who’s growing up.”

Nang tanungin naman siya kung may chance pang magkabalikan sila ng dating partner.

Agad itong sinagot ni Janella at sinabing hindi raw ito makakatulong sa kanilang dalawa if ever nga na maging sila ulit.

“Right now, hindi ko iniisip ‘yon. Okay na rin kami now, healing apart,” tugon niya.

Pagbabahagi pa niya, “I don’t think it’s good for our mental health. I remember how bad it got. Siguro umabot rin sa point na naramdaman ko parang nalosyang na ako kasi I was trying to save the relationship. I was trying to raise a kid on top of it. Parang kapag tumitingin ako sa mirror, hindi ko na nakilala, ‘yung sarili ko.”

Sinagot din ni Janella ang tanong ng broadcast journalist kung may plano ba siyang makipag-date ulit in the future.

“I have plans. I have big plans for myself,” sey ng aktres.

Komento pa niya, “But I take life day by day. I take the lessons na natutunan ko from those situations and apply them; parang this time, hindi na okay sakin ‘to. This time I put my foot down on this; this time dapat maingat na ako; this time I won’t let these kinds of people into my life, ‘yung mga ganon.”

Matatandaang ilang buwan pa lamang nang magsimula ang 2022 ay may mga kumakalat na chika patungkol sa diumano’y paghihiwalay ng dalawa.

Pagdating ng September last year ay inamin ni Markus sa isang Instagram post na halos isang taon na nga silang hiwalay ni Janella.

Read more...