Bakit di sinunod ni Verzosa si P-Noy sa jueteng | Bandera

Bakit di sinunod ni Verzosa si P-Noy sa jueteng

- September 16, 2010 - 02:19 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

HINDI raw sinunod ni Jess Verzosa, dating chief ng Philippine National Police (PNP), ang utos ng Malakanyang na ipatigil ang jueteng.
Pagkaupo na pagkaupo ni Pangulong Noy, inatasan niya agad si Verzosa na maglunsad ng kampanya laban sa illegal numbers racket.
Bakit hindi sinunod ni Verzosa ang utos ng Malakanyang?
Dahil tuliro siya kung ano ang kanyang gawin.
May utos nga si P-Noy na ipatigil ang jueteng, pero ang kanyang immediate superior na si Undersecretary Rico E. Puno ay sinasabi sa kanya na huwag ipatigil.
Si Puno, na inatasang mamahala ng PNP, ay siyang nagrekomenda kay P-Noy na huwag tanggalin si Verzosa.
* * *
Hindi pa mainit ang upuan ni Raul Bacalzo bilang bagong PNP chief pero may natanggap nang sulat na siya’y tumatanggap ng lagay sa jueteng.
Ang liham ay galing daw sa mga junior officers ng PNP, pero hindi ito nilagdaan.
Sino naman ang malinis sa PNP pagdating sa jueteng?
Walang PNP chief na hindi nabahiran ng jueteng.
Kahit na yung mga PNP chief na hindi tumanggap sa mga jueteng lords ay nalagyan naman ang mga nakabababa sa kanila na hindi nila alam.
* * *
Mahirap ipatigil ang isang gawain na nagsimula noong mga panahon pa yata ng mga Kastila.
Ang dapat ay gawing legal na ang jueteng.
Wala naman kasing ipinag-iba ang jueteng sa sabong, karera ng kabayo, lotto, sweepstakes at maging ang bingo.
Ang kaibahan lang ng jueteng sa mga sugal na nabanggit ay legal ang mga ito, samantalang hindi pa nagiging legal ang jueteng.
* * *
Bakit ayaw gawing legal ang jueteng ng ating mga opisyal?
Dahil wala na silang mapagkikitaan.
Kapag naging legal ang jueteng ay wala nang intelihensiya o yung pera na ibinibigay bilang lagay sa mga pulis at local na opisyal gaya ng mayor, governor at congressmen.
* * *
Sabi ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz na maraming pari ang tumatanggap ng donasyon galing sa mga jueteng lords.
Totoo iyan tinuran ni Cruz. Nang ako’y dumalo sa birthday party ni Bong Pineda, alleged jueteng lord na aking kumpadre, nakita ko na maraming mga pari’t madre na kasama sa mga well-wishers.
Kung talamak na krimen ang jueteng, gaya ng drug trafficking o kidnapping o bank robbery, sa tingin mo ba ay tatanggap ng donasyon ang mga pari’t madre sa jueteng lords?
Sa aking palagay, hindi kasalanan sa Diyos ang mag-jueteng. Kasalanan lang ito sa gobyerno dahil hindi ito legal—sa ngayon.

Bandera, Philippine news at opinion, 091610

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending