Zack Tabudlo umaray nang tawaging unprofessional: Wala akong kasalanan
By: Ervin Santiago
- 12 months ago
Zack Tabudlo kasama ang mga kabanda at ilang staff ng mall event
MAY mga naloka at nabwisit sa singer-songwriter na si Zack Tabudlo matapos ma-delay ang show niya sa isang mall sa Quezon City.
Ilang oras umano naghintay ang mga taong nasa shopping mall para lamang mapanood ang OPM artists at hitmaker up close and personal pero nadismaya nga ang mga ito sa nangyari.
Isa lamang si Zack sa mga artists na naka-line up para sa naturang event pero siya ang napuruhan dahil sa mga ipinost na reklamo ng ilang fans sa social media.
Ito ang dahilan kaya agad na nag-release ng statement si Zack para iparating sa lahat ng mga nagalit sa kanya na hindi niya kasalanan ang nangyari.
Bago pa magsimula ang show, nag-post pa ang binatang singer sa kanyang Facebook page ng kanyang litrato kasama ang kanyang bandmates at ilang staff na involved sa event.
“Hi to everyone at the trinoma event! we’ve been here for the past few hours pero wala pa din yung complete sound system for the event and di kami makatugtog.
“Just wanted to apologize for the technical difficulties. we’re here and we’re all just waiting. see you in a few!” ang paliwanag ni Zack.
Pero umabot nga ng ilang oras bago naayos ang technical problems kaya ilang netizens ang sumagot sa post ni Zack sa FB.
May isang netizen ang tumawag sa OPM hitmaker ng unprofessional, “Iho, 6pm pa lang anjan na kami. Naulan na kami, kasama mga kids ko, hoping marelax kahit paano sa kanta mo. 7:30pm dun pa lang nag seset up ng instruments nyo.
“Late hindi technical ang nakita ko. Sana nauna na lang ang fireworks para nakapanuod ang pamilya ko. You’re not professional,” ang sabi pa ng nagreklamong netizen.
Mababasa pa sa post ni Zack ang comment na, “Sabi ng mga guards, yes guards, wala pa siya. Late siya. Mga 7 guards ang pinag tanungan namin. Ang sabi nman ng mga nasa booth, 4pm lang daw, nasa backstage na daw siya. LOL.
“Hindi naman siya lang alone ang ipinunta ng mga tao jan ngayon, kundi also the fireworks display din. Kaso walang fireworks, hanggat walang Zack Tabudlo na natatapos magshow.
“Hahaha. Sabi pa ng isang guard: Mapapa-OT pa tayo nito ngayon, bat late kase,’” sabi pa nito.
Kasunod nito, nag-explain na nga si Zack kung ano ang tunay na nangyari dahil siya ang sinisisi ng mga sumugod para manood sa nasabing mall show.
“I don’t post or answer to these comments but before this thing goes viral again and y’all cancel me for something I’m not at fault nanaman… 3pm palang po andito na po si daniel, (opening act) namin.
“Ako and the rest of my team po dumating kami BEFORE 6pm. ang show is 7PM. so by the time i arrive normally po dapat ayos na lahat ng nasa stage para before my time nagsstart na yung set ko,” simulang pahayag ng singer.
Patuloy pa niya, “My tech and my engineers po dumating dito 10:30AM. THE WHOLE TIME wala pong setup. earlier po dapat ang mga tech riders na napagusapan and kahit pa anong show yan before pa po dapat magbukas ang any event andyan na ang setup.
“Ang opening acts po ang mauuna pero di din sila makakapagsimula and banda nila without all the technicals po. kahit po ilabas namin instrumento naming lahat na andito samin kung wala kaming pagsasaksakan hindi namin mapapalabas ang tunog ng walang setup.
“Sa mga nagsasabi naman po ng acoustic setup as much as we want to, dumayo ang iba and lahat para po sa full show na hinahanda namin para sa inyo.
“Kanina pa po kami andito naghihintay lang din at gusto na namin magperform. lahat po tayo gusto makapagpahinga at makauwi sa mga pamilya natin,” esplika pa niya.
Samantala, agad ding naglabas ng official statement ang TriNoma Mall hinggil sa isyu. Narito ang kanilang pahayag.
“We extend our sincere apologies for any inconvenience caused during the Yuletide Rhythms concert featuring Zack Tabudlo on December 10 at the Level 4 Park of TriNoma.
“Unforeseen adjustments to the technical requirements resulted in delays from the sound system supplier, despite the early arrival of Zack Tabudlo and his team at the venue.
“Our commitment is to deliver exceptional entertainment to our patrons, prompting collaborative efforts between the TriNoma team and Zack Tabudlo’s team to promptly address technical challenges.
“We assure you that steps are being taken to prevent the recurrence of such incidents in our upcoming concerts. We appreciate your understanding and thank you for your patience and continued support, despite the extended wait,” ang paliwanag pa ng naturang mall.