PALAISIPAN pa rin sa amin kung ano ang partisipasyon ng kontrobersyal na male TV host sa isang Gen Z actor.
Siya kasi ang itinuturong dahilan kung bakit laging inaaway si Gen Z actor ng kanyang girlfriend.
Tsika ng aming source ay super close sina kontrobersyal male TV host at Gen Z actor na napapansin na rin ng kanilang co-stars sa kanilang mga kilos.
Kinaklaro namin na hindi miyembro ng LGBTQ ang dalawang bida ng aming blind item dahil babae ang mga gusto nila.
Baka Bet Mo: Payo ni Xian Gaza sa Gen Z: ‘Huwag ka muna magjowa at magpakabaliw sa lovelife, focus ka muna sa paggawa ng pera!’
Sa kasalukuyan ay hindi nagsasalita si Gen Z at si male TV host naman ay normal pa rin ang ginagawa sa show nila, ‘yun nga lang mukhang haggard at hindi fresh looking.
“Kaya nga matagal nang sinasabihan si ____ (male TV host) na magbakasyon muna para makapagpahinga at bumalik ang freshness,” say ng aming source.
Maging ang karelasyon ng male TV host ay nag-aalala na rin dahil nasosobrahan na ito sa kanyang bisyo.
Samantalang si Gen Z actor ay hindi pa halatang ngarag dahil okay pa naman siya sa screen, ewan lang namin sa personal kasi hindi namin nakikita.
* * *
Pinarangalan ang 33 na programa at personalidad ng ABS-CBN para sa pagtataguyod ng mga temang pampamilya at sa pagiging mabuting huwaran sa mga bata sa Anak TV Awards noong Biyernes (Disyembre 8).
Kabilang sa mga nakatanggap ng Anak TV seal ay ang “ASAP Natin ‘To,” “The Voice Kids,” “Hero City Kids Force” ng iWantTFC,” “Parent Experiment” ni YeY, “Team YeY Vlogs” at Knowledge Channel’s “AgriKids,” “I Love You 1000,” “Ready Set Read,” “MathDali,” “Wikharian,” “Knowledge On The Go,” “Art Smart,” at “Kwentoons” sa television at online categories.
Sa kabilang banda, kinilala rin ang Kapamilya stars na sina Alexa llacad, Amy Perez, Andrea Brillantes, Anne Curtis, Belle Mariano, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeremy Glinoga, Karylle, KD Estrada, Kim Chiu, Kyle Echarri, Regine Velasquez-Alcasid, Sina Robi Domingo at Seth Fedelin bilang Makabata Stars (television at online categories) para sa pagiging mabuting ehemplo sa mga batang Pilipino.
Big winner din si Kathryn Bernardo dahil tinanghal siyang Hall of Famer dahil sa patuloy na pagboto sa kanya bilang Makabata Star sa loob ng pitong magkakasunod na taon.
Samantala, kabilang ang “It’s Showtime,” “TV Patrol,” at ang “Sineskwela” ng Knowledge Channel sa Household Favorite Programs ngayong taon sa television category.
Ang Anak TV Awards ay ibinibigay ng ANAK TV, isang organisasyong may adbokasiya na nagtataguyod ng literasiya sa telebisyon at nagtataguyod ng mga child-sensitive at family-oriented na mga programa sa Pilipinas.