Xian binura ang mga vlog nila ni Kim sa YouTube, gusto nang mag-move on?

Xian binura ang mga vlog nila ni Kim sa YouTube, gusto nang mag-move on?

Xian Lim at Kim Chiu

BURADO na ang halos lahat ng content sa YouTube channel ng Kapuso actor at director na si Xian Lim.

Shookt ang kanyang mga fans at subscribers nang bumulaga sa kanila ang white space sa YT ng aktor at waley na ang mga video na naka-upload doon.

Deleted na rin ang mga vlog nila ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu sa gitna ng patuloy na paglabas ng chika na matagal na silang hiwalay.

Sa pagtse-check namin uli sa kanyang channel ngayong tanghali ng Tuesday, December 12, may makikitang tatlong content sa kanyang “history.”

Dalawa sa mga short video clips ang naglalaman ng pagsakay niya sa isang motorsiklo habang ang isa ay naman ay nang manood siya ng isang play.

May long-form video rin na naiwan sa kanyang channel na in-upload niya five years ago kung saan makikita ang kanyang animated drawings about his life.

Baka Bet Mo: Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye

Mapapanood din ang kanyang California trip sa video at ang kanyang cover ng “A Million Dreams” by Ziv Zaifman, Hugh Jackman and Michelle Williams.


Ang paniniwala ng mga netizens, baka raw gusto nang mag-move on ni Xian sa reported breakup nila ni Kim kahit na wala pa talagang diretsahang pag-amin mula sa celebrity couple.

Pero in fairness, hindi pa naman deleted ang mga pictures and videos nina Xian at Kim sa Instagram ng Kapuso actor.

Ilang linggo nang napapabalita na hiwalay na sina Kim at Xian matapos ang 11 years nilang relasyon na nagsimula pa noong October nang mapansin ng netizens na nagbakasyon nang solo si Kim sa ibang bansa.

Nauna rito, nag-react na si Kim tungkol sa breakup nila ni Xian sa presscon ng “Linlang”. Aniya, “Grabe! Kayo talaga! Baka nalilinlang lang kayo. Okay naman po kami ni Xi.

“Oo, mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman. Masaya naman po,” aniya pa.

Sa isang hiwalay na interview, muling nagsalita si Kim about it, “Grabe, sa amin na lang ‘yun. We’ll just keep it to ourselves na muna.”

Noong April, 2023, naging madamdamin pa ang pagbati ni Xian sa birthday ni Kim, “Truly, madly, deeply in love with you and I cherish every single moment I have with you. So many years have gone by and we’re still by each other’s side.”

Read more...