Venus Raj, non-showbiz partner ikakasal na ngayong Dec. 12

Venus Raj, non-showbiz partner ikakasal na ngayong Dec. 12

PHOTO: Instagram/@onlyvenusraj

NGAYONG araw, December 12, ang major major wedding ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj!

Ibinandera na niya ‘yan mismo sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang isang “save the date” video.

Caption niya, “Today is the day that the Lord has made [red heart emoji]”

Baka Bet Mo: Venus Raj naloka sa letter sender na biglang ‘inurungan’ ng nililigawan: ‘I don’t want to be in that position!’

Sa katunayan nga, nakakuha kami ng ilang detalye sa isa sa malapit niyang kaibigan at nachika niya sa amin na ang kasal ay mangyayari mamayang hapon sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center sa Pasig City.

Most probably din daw na ang isa sa mga magiging abay ay ang kanyang close friend na si Shamcey Supsup-Lee, ang Miss Universe Philippines (MUPH) National Director.

Magugunita noong December 20, inanunsyo niyang ikakasal na siya ngayong buwan.

Sorpresa niyang ibinandera ang masasayang litrato ng kanilang pre-nuptial photoshoot na kinunan sa isang beach sa Zambales.

Nakwento rin niya sa isang Instagram post na walong taon siyang naging single bago pa niya nahanap ang kanyang “the one” at “Mr. Right.”

“For 8 years, God allowed me to be single. Since I have fully surrendered my life to Jesus, I have never entered into a romantic relationship. I asked Him to protect my heart and to keep it until the right man comes,” sey niya sa IG post.

At speaking of her partner, nilinaw ni Venus sa kanyang Instagram Story kamakailan lang na hindi ang photographer na si Nelwin Uy ang kanyang soon-to-be husband.

“Media friends, kindly get your facts right. Mr. Nelwin Uy is our photographer, NOT MY BOYFRIEND!” wika niya.

Kasabay niyan ay humingi siya ng paumanhin sa photographer, pati na rin sa pamilya nito.

“Apologies to Sir @nelwinuy and his family for the confusion,” aniya.

PHOTO: Instagram Story/@onlyvenusraj

Alam niyo ba na kilala ng BANDERA ang mapapangasawa ni Venus na nagmamay-ari ng ilang negosyo sa Mindanao, pero nakiusap ang kampo niya na huwag muna itong pangalanan.

Last time din ay nakachikahan namin si Venus at nasabi niya sa amin na this year nag-propose ang kanyang partner.

Anyway, best wishes and congratulations para kay Venus at sa kanyang partner!

Read more...