KathNiel reunion movie game na game pa ring gawin ni Direk Cathy

KathNiel reunion movie game na game pa ring gawin ni Direk Cathy

Daniel Padilla, Cathy Molina at Kathryn Bernardo (Photo from Instagram)

SOBRANG na-sad at nanghinayang din ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Isa si Direk Cathy sa mga taong malalapit sa KathNiel dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa pelikula at teleserye bukod pa sa pagiging mentor niya sa ex couple.

In fact, kasama sina DJ at Kath sa iilang celebrities na imbitado sa kasal ni Direk Cathy last May.

Nakachikahan namin ang direktor sa special screening ng microfilm nina Alexa Ilacad at KD Estrada na “Toss Coin” mula sa Star Cinema kagabi sa Promenade Cinema sa Greenhills.

Ayon sa direktor, nirerespeto niya ang naging desisyon ng kanyang mga anak-anakan pero inamin niyang na-shock din siya sa breakup.

“Wala namang hindi malulungkot. Ganu’n naman ang relationship, I mean I do love stories. So I know may mga ganyang moments,” pahayag ni Direk Cathy.

Baka Bet Mo: Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF

“We can only hope for the best. Basta ako, mahal ko si Kathryn. Mahal ko si Daniel.

“In fact, that’s what I messaged them. After what I heard, I messaged Kathryn and Daniel that I love you.

“Hindi naman sila sumagot. Alam kong natanggap nila, at alam kong medyo marami nang iniisip, so ayoko nang sumabay pa,” aniya pa.


Natanong din sa kanya kung matutuloy pa ang reunion movie ng KathNiel ngayong hiwalay na nga ang dating magdyowa.

Nauna nang na-announce ng Star Cinema at ABS-CBN Films na magkakaroon ng comeback movie sina DJ at Kath na ididirek uli ni Cathy. Ibang-iba raw ito sa lahat ng nagawang projects ng magka-loveteam.

Baka Bet Mo: Cathy Molina iniwan na nga ba ang ABS-CBN at Star Cinema dahil kay Willie?

“I am not closing my doors doon sa project na yun. Kasi siyempre, who wouldn’t want a KathNiel movie?

“But maybe, pwedeng ma-delay, pwedeng mausog lang naman,” tugon niya.

“At the end of the day, it’s the call of the management and KathNiel themselves. Basta ako nandito lang ako if they need me to do the film, of course,” dagdag pa ng direktor.

Matatandaang si Cathy din sana ang magdidirek ng KathNiel movie titled “After Forever” ma na-shelved dahil sa COVID-19 pandemic at sa pagsa-shutdown ng ABS-CBN noong 2020.

Read more...