Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media ang rebelasyon ng veteran radio-TV host at entertainment columnist na si Nanay Cristy Fermin tungkol kina DJ at Alden.
Of course, may konek pa rin ito sa kontrobersyal na hiwalayan nina Daniel at Kathryn Bernardo na nagkanya-kanya na ngayon ng landas after ng kanilang 11 years na relasyon.
Ayon kay Nanay Cristy, may nararamdaman umanong insecurity si Daniel kay Alden na nagsimula noong magtambal ang Kapuso actor at si Kathryn sa pelikula ng Star Cinema na “Hello, Love, Goodbye.”
Sa December 6 episode ng “Cristy Ferminute”, napag-usapan muli ang matagumpay na pagtatambal nina Alden at Kathryn sa naturang pelikula na itinuturing ngayong highest-grossing movie of all time sa Pilipinas matapos kumita ng mahigit P880 million.
Pagbabahagi ng co-host ni Nanay Cristy na si Romel Chika, kaya raw hindi pa nasusundan ang “Hello, Love, Goodbye” ay dahil ayaw umano ni Daniel na magkatrabaho uli ang dalawa.
In fairness naman kasi sa mga fans nina Kath at Alden, matagal na silang nagre-request na bigyan na uli ng movie project ang dalawa dahil siguradong magiging blockbuster na naman ito.
Sabi naman ni Nanay Cristy, “Ang pinakamalinaw doon, noong sumunod siya (Daniel) sa Hongkong, kay Kathryn, binati niya lahat ‘yung nandoon. Nilampasan niya si Alden.
“Anong tawag mo doon? O, di ba? Eh ‘di nai-insecure ka at nagseselos ka at the same time,” ang matapang na pahayag pa ng beteranong showbiz columnist.
Sa panayam namin kamakailan kay Alden kasama ang ilan pang entertainment writers sa naganap na grand mediacon ng “Family Of Two”, natanong siya about KathNiel’s breakup.
“Medyo mainit po ‘yung topic baka masali po ako ulit, baka ako po yung ma-bash,” ang pag-iwas ni Alden sa isyu.
“Ayoko na pong naba-bash, so tatahimik na lang po ako sa issue na yan,” dagdag pa niya.
Ano naman ang reaksyon niya na may mga fans na nagsasabing sana sila na lang daw ni Kathryn ang magkatuluyan at gumawa uli ng mga pelikula.
“Respeto ko na lang po sa kanila. I’ll just keep quiet sa issue pero tignan nalang po natin kung anong magiging turn out, pero sa ngayon they deserve a space,” sey pa ni Alden.