Show nina BOY, JANICE, CARMINA parang palengke sa ingay
MARAMI na pala ang hindi nagkakagusto sa bagong talk show ng Dos headlined by Boy Abunda with Carmina Villaroel and Janice de Belen as co-hosts.
Kasi naman, tila naging palengke na ang show, masyadong maingay at parang ang gulo-gulo. Ang feel nga ng ilan ay dapat ng ibalik ang dating format ng The Buzz.
Walang me gusto sa bagong concept nitong tila palengke style. Hindi pa namin napapanood ang show pero marami kaming nababasa sa social media na comments against Buzz ng Bayan.
Sa ingay nga ng show, masasabi nang ito ang bagong Palengke ng Bayan. Teka, baka ganoon naman talaga ang gusto ng Dos, ang maging maingay ito para pag-usapan.
At saka, feel na feel yata ng management ang tila magulong show na ito dahil masang-masa.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.