Loisa, Ronnie naniniwalang magbabalikan ang KathNiel

Loisa, Ronnie sa hiwalayang KathNiel: ‘Kaya pa rin nilang pag-usapan ‘yan’

Pauline del Rosario |December 10,2023
facebook
share this

Loisa, Ronnie sa hiwalayang KathNiel: ‘Kaya pa rin nilang pag-usapan ‘yan’

Pauline del Rosario - December 10, 2023 - 10:31 AM

Loisa, Ronnie sa hiwalayang KathNiel: ‘Kaya pa rin nilang pag-usapan ‘yan’

PHOTO: Instagram/@iamandalioloisa

POSIBLE pa ring magkabalikan ang dating magdyowa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

‘Yan ang paniniwala ng celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos tanungin ng entertainment reporter na si MJ Felipe.

Sa news program na TV Patrol, exklusibong nakapanayam ni MJ ang dalawa kung saan hiningan sila ng reaksyon sa breakup ng KathNiel na kaibigan nila.

“Naniniwala pa rin kami na kaya pa ring pag-usapan ‘yan ‘diba?,” sagot ni Ronnie.

Dagdag pa ng aktor, “Umabot nga sila ng 11 years e. Bakit ‘yung ganyang problema, hindi nila kayang ayusin?”

Tugon naman ni Loisa, “Si Kathryn, meron talaga kaming communication. Strong siya, matapang ‘yung babaeng ‘yun.”

Magugunita noong November 30 nang kinumpirma ni Kathryn ang matagal nang usap-usapang break na sila ni DJ matapos ang 11 years nilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Loisa, Ronnie ready na nga bang dalhin sa ‘next level’ ang relasyon?

Walang binanggit ang award-winning actress kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay ni Daniel, ngunit nadadawit sa isyu ang Kapamilya young star na si Andrea Brillantes.

Matatandaang naibalita noon ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na ayon sa kanyang source ay patagong nagkikita si DJ at Blythe.

Samantala, nabanggit din nina Loisa at Ronnie na ipagdidiwang nila ang Kapaskuhan sa Japan at excited na raw sila rito.

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng couple ang ika-pitong anibersaryo ng kanilang relasyon.

Maaalala rin last year na naging usapan sina Loisa at Ronnie matapos kumalat ang chismis na hiwalay na sila.

Ang naging ugat nito ay ang social media post ng aktres na may patama sa isang taong nangako na hindi tumupad.

Sey pa nga niya sa caption noon, “Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope…(broken heart emoji)”

Dahil diyan sa post, mabilis na kumalat ang “breakup rumors” ng dalawa.

Kaagad namang nilinaw ni Loisa na hindi tungkol sa kanyang lovelife ang kanyang FB post.

Comment niya, “hahahaha hoy! hindi ito about sa lovelife.. kayo talaga (face with tears of joy emoji) (pleading face emoji)”

Sinundan pa niya ito ng mga katagang “walang maghihiwalay…”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2017 nang kinumpirma ng dalawa sa publiko na sila ay magkarelasyon na.

Unang nagtambal sina Loisa at Ronnie sa teleseryeng “The General’s Daughter” noong 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending