Vice ipinagluluksa rin ang hiwalayang KathNiel

Vice ipinagluluksa rin ang hiwalayang KathNiel: I wish them peace, healing

Ervin Santiago |December 06,2023
facebook
share this

Vice ipinagluluksa rin ang hiwalayang KathNiel: I wish them peace, healing

Ervin Santiago - December 06, 2023 - 08:51 AM

Vice ipinagluluksa rin ang hiwalayang KathNiel: I wish them peace, healing

Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

IPINAGLULUKSA” rin ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Tulad ng milyun-milyong KathNiel fans, matinding kalungkutan at panghihinayang din ang naramdaman ni Vice nang kumpirmahin na nina Kath at DJ na nagwakas na ang kanilang 11 years na relasyon.

Ayon sa TV host-comedian, hindi lang siya fan ng tambalang KathNiel kundi malapit din niyang kaibigan ang mga ito, sa katunayan itinuturing na niyang anak-anakan ang ex couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I’m sad. Until now I am sad. Yung damdamin ko bilang malapit sa kanilang dalawa, bilang fan nilang dalawa, yon malungkot,” pahayag ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

Dugtong pa ng Unkabogable Star, “Parang hindi yata normal kung magiging masaya tayo na nakikitang may dalawang taong malungkot.

“Dalawang tao na dating masaya, tapos ngayon hindi na masaya sa piling ng isa’t isa. Normal na damdamin lang yon, na katulad ng iba na malungkot,” lahad pa ni Vice Ganda.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…

Wala raw ibang hiling ang komedyante ngayon kundi ang kapayapaan at kaligayahan sa puso ng KathNiel, “I wish them peace, healing, and joy.

“Gusto ko silang makita na masaya uli. Kung ano man ang pamamaraan nila ng pagmu-move on, suportahan na lang natin,” aniya pa.

Matatandaang noong November 30, ay halos sabay na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kanilang social media accounts upang ihayag sa madlang pipol ang kanilang breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pahayag ni Kathryn, “I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me; It’s true that Deej and I have decided to part ways.

Baka Bet Mo: Vice umaming nagkaproblema sa pagpapatawa: OMG! Kinakalawang yata ako!

“Like any relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to were we used to be.

“It just won’t be fair to pretend that everything is still the same,” sabi ng Kapamilya actress.

Pahayag naman ni Daniel, “Pagibig. Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito,

“Isang malaking biyaya ang pagmamahal.

“Ang mahalin ka. At mahalin mo.

“Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide,” ang bahagi pa ng naging mensahe ni DJ para kay Kath.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending