Kathryn hindi kailangan ng lalaki para lalong mag-shine – Valentine Rosales

Kathryn 'di kailangan ng lalaki para lalong mag-shine! - Valentine Rosales

Valentine Rosales, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

HINDI kailangan ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo ng lalaki para patuloy na mag-shine sa kanyang personal na buhay at showbiz career.

Yan ang message ng social media personality na si Valentine Rosales  patungkol kay Kathryn matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Daniel Padilla.

Isa si Valentine sa nagbigay ng unsolicited advice sa award-winning actress after nitong kumpirmahin na nagkanya-kanya na sila ng landas ni Daniel matapos ang 11 years nilang relasyon.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Valentine na kering-keri na ni Kathryn na magsolo sa anumang proyekto at magtagumpay sa mga pangarap niya sa buhay kahit wala si DJ.


“Sa Filipino showbiz culture usually when 2 stars want to make it big in the industry they need to start of as couples or what we call ‘Love Team’.

Baka Bet Mo: Morissette gustung-gusto nang pakasalan si Dave Lamar; bagong version ng ‘Shine’ viral na

“To be Honest simula palang nung panahon na wala pang KathNiel nag Shine na si Kathryn Bernardo on her own,” simulang pagbabahagi ni Valentine about Kath.

Ipinagdiinan din niyang, “Siya ang kauna unahang nag remake ng 1 of the most iconic teleserye of the Philippine television as she starred as Mara sa ‘Mara Clara.’

“Ever since then I knew may potential talaga si Kath! Di na niya need ng Loveteam and ngayon she can definitely stand on her own and she proved it sa palabas niya on the big screen which is A Very Good Girl nakita ko kung gano siya ka versatile as an actress!” ang punto pa ng socmed personality.


Sa sumunod na chika ni Valentine, nabanggit pa niya ang loveteam noon nina Kim Chiu at Gerald Anderson na nauwi rin sa totohanang relasyon.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

“Usually SA Loveteam pag nabubuwag or na sisira isa sakanila yung humahatak or nakaka shine on their own like Kimerald kaya ni Kim Chiu mag isa even without Gerald she can stand out kahit sino I partner sakanya nag Bo-Boom and she is now already considered as a Big Star! Big stars don’t need love teams like Ms. Judy Ann, Anne Curtis, etc!

“Kathryn you don’t need a man to shine! You can shine on your own and I will forever support you kahit wala nang Kathniel I will forever be a Fan! shine bright girl!” ang mariin pang sabi ni Valentine Rosales.

Matatandaang kinumpirma na kamakailan nina Kathryn at Daniel ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

Read more...