PARANG tunay na mga anak na rin ang turing ni Romnick Sarmenta sa ex-celebrity na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kaya naman isa ang premyadong aktor sa mga nalungkot at nanghinayang nang mabalitaan niyang totoong naghiwalay na nga sina DJ at Kath after 11 years ng pagiging magkarelasyon.
Naging close si Romnick kina Daniel at Kathryn nang makasama niya ang mga ito sa seryeng “2 Good 2 Be True” noong 2022.
“Well, that’s sad. It’s probably, as other people would think, it’s probably heartbreaking.
“To me, they’re like my kids. Sincerely, they’re like my kids. Daniel and Kathryn are… I’ve worked with a lot of people.
“But these two have endeared themselves to me in a way I didn’t think was possible in this industry.
“Only because they are genuinely sincere people, di ba? I feel hurt in a way a father would feel hurt about his daughter or his son,” pahayag ni Romnick sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa ‘Drag You & Me’, game na game sa kissing scene
Pagpapatuloy pa niya, “Kasi pareho silang mabait, e. And forgive me if I have a comment, but my comment is coming from, like I said, a father.”
Sabi ni Romnick, kapamilya na talaga ang tingin niya kina Daniel at Kathryn mula nang mapalapit ang mga ito sa kanya noong ginagawa pa nila ang “2 Good 2 Be True.”
“Parang tingin ko sa kanila, mga anak ko. They’re just so wonderful. Wala akong…I think it’s safe to say, wala akong kakampihan, pero pareho nila akong kakampi. I love them both.
“Whatever it is they are going through, whether this turns out to be one of those humps or it turns out to be life-changing in any way, I just want them to know na ako siguro, isa sa mga taong puwede nilang makatabi nang wala silang kailangan ikuwento and I would still care for both of them the same way,” pagbabahagi pa ni Romnick.
Samantala, mas nalungkot pa ang KathNiel fans nang malamang hindi magkasama sina Kathryn at Daniel sa bagong Christmas Station ID ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa ‘About Us but Not About Us’: I realized how good the piece was
Magkahiwalay ng frame ang ex-couple sa ipinalabas na 2023 CSID ng ABS-CBN kaya naman kanya-kanyang hugot na naman ang fans ng dating magdyowa. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon.
“Tama naaaaaa!!!!!! Masakit na sobraaaaa!”
“Dpa aq lubos na nkka move on sa jadine eto na nman.”
“Malungkot sila.”
“Very sadddd.”
“Magbabalikan din yan.”
“Wla n tlga, lungkot din ng mukha nila.”
“Mostly sa eyes ni dj Makikita talaga ang lungkot na nararamdaman nya. Parating lungkot ang mga mata.”
“Ang sakit!”
“Tama na pleassseee!”