Boy Abunda wasak din ang puso: ‘I honor this pain…I cry for KathNiel’

Boy Abunda wasak din ang puso: 'I honor this pain...I cry for KathNiel'

Boy Abunda, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAGKAMALI ang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang paniniwala na maaayos din nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang mga problema.

Isa si Tito Boy sa mga nasaktan at naiyak nang kumpirmahin na ng KathNiel ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

Ang kanyang wish, maayos ang dapat maayos, pero hindi na nga ito nangyari dahil winakasan na ng magkarelasyon ang kanilang pagsasama na tumagal din ng mahigit isang dekada.

Sa isang YouTube video, nagbigay ng pahayag ang award-winning TV host  si Boy Abunda kagabi, November 30, tungkol sa breakup nina Kathryn at Daniel.

Ayon kay Tito Boy, kaisa siya ng sambayanang Filipino sa mga “nagluluksa” sa paghihiwalay nina Kath at DJ na naging malapit din sa kanya at itinuturing na rin niyang mga anak-anakan.

In fairness, nasubaybayan talaga ng premyadong TV host ang naging journey ng KathNiel mula noong nagsisimula pa lamang ang dalawa sa mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Ayon kay Tito Boy, hindi niya alam ang mga detalye tungkol sa naging desisyon nina Daniel at Kathryn na magkanya-kanya na ng landas at mag-focus muna sa kanilang mga sarili.


Sabi ng Kapuso TV host, “I was wrong. I thought they would be able to fix what needed to be fixed. I can imagine the excruciating pain they have to bear now, Daniel, Kathryn, KathNiels.

“I honor this pain. I cry for KathNiel as a fan and friend. I respect their decision to part ways knowing that they tried to save this love story with respect but one that ended with respect to paraphrase Kathryn.

Baka Bet Mo: Kathryn super proud sa KathNiel fans: ‘They allow us to grow…hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya’

“Just finished reading her statement. Class is not dead. What a decent girl Kathryn Bernardo is,” papuri niya kay Kath.

Aniya pa, “At a time when vicious ranting is common place, she chose to be circumspect. She deserves love and respect.

“With this breakup, Kathryn Bernardo has proven that a proper ending is possible. No matter the pain. Bravo Kathryn!

“Daniel’s statement just came out! I shall never forget what DJ told me in an interview, when I asked him ‘What is worse than betrayal?’ Sabi niya,’ To be forgiven.’

“I don’t know the details that brought them to this decision to separate. I only know the love that they have for each other — a love that prevailed even when they decided to say goodbye.

“DJ, all the best and all the love,” ang bahagi pa ng mensahe ni Tito Boy para sa KathNiel.

Read more...