RM, V, Jimin, Jung Kook ng BTS sabay-sabay sa military service sa Disyembre

RM, V, Jimin, Jung Kook ng BTS sabay-sabay sa military service sa Disyembre

RM, Jimin, V, Jung Kook

SABAY papasok sa mandatory military service ng South Korea ang natitirang miyembro ng Korean pop sensation na BTS.

Nakatakdang sumabak sina RM, Jimin, V at Jung Kook sa susunod na buwan.

Kung maaalala, naunang nagpa-enlist si Jin noong December last year na sinundan ni J-Hope na sumalang na nitong Abril at noong Setyembre naman ay si Suga.

Sa kasalukuyan, si Jin at J-Hope ay nagsisilbing assistant instructors sa military recruit training center bilang parte ng kanilang national service.

Habang si Suga ay ginagawa na ang kanyang compulsory military service sa pamamagitan ng “alternative service.”

Alam naman nating lahat na required talaga sa kanilang bansa, lalo na sa mga lalaki, ang military duty pagtungtong ng edad 18 hanggang 28.

Baka Bet Mo: Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

Ayon sa mga nakalap naming balita mula sa ilang Korean media outlets, si RM at V ay magpapa-enlist na sa darating na December 11.

Sina Jimin at Jung Kook naman ay magsisimula na sa kanilang serbisyo sa December 12.

Dalawang taon usually ang military service sa South Korea, kaya ang ibig sabihin niyan ay asahang matatapos sila riyan sa July 2025, ang taon mismo kung kailan nakatakdang muling magbabalik sa music industry ang BTS.

“We are confident that we will come back better than ever,” sey ni Jung Kook sa isang pre-recorded video na ipinakita sa 2023 MAMA Awards recently.

Mensahe pa niya sa fans, “We hope you stay healthy and happy until then.”

Para sa mga hindi masyadong aware, pinarangalan ang BTS ng “Worldwide Icon of the Year” ng nasabing award-giving body.

‘Yan ang ika-anim na beses na nakuha ng grupo ang nabanggit na award.

Read more...