Bianca Manalo nag-birthday sa Malacañang: ‘Never in my wildest dreams!’

Bianca Manalo nag-birthday sa Malacañang: ‘Never in my wildest dreams!’

PHOTO: Instagram/@biancamanalo

HINDI makapaniwala ang aktres at dating beauty queen na si Bianca Manalo sa naging selebrasyon ng kanyang ika-37th birthday kamakailan lang.

Nagkaroon kasi siya ng special party sa Malacañang Palace at ang nag-host mismo nito ay sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa Instagram, Ibinandera ni Bianca na kasa-kasama niya ang kanyang partner na si Senador Sherwin Gatchalian.

Present din ang iba pang senador kabilang na sina Imee Marcos, Nancy Binay, JV Ejercito, Sonny Angara, at Miguel Zubiri.

“Never in my wildest dreams have I ever thought of celebrating my birthday in Malacañang, to be hosted by our very own President Bongbong Marcos and First Lady Liza Araneta-Marcos,” sey niya sa caption.

Masayang wika pa niya, “Together with the Philippine senators and spouses. I am beyond grateful! I am 37 but still [feel] 27.”

Baka Bet Mo: Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga

Ilan sa mga artista na bumati sa comment section ay sina Ariella Arida at Iza Calzado, pati na rin ang GMA senior vice president na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Nag-post naman ng video sa social media ang dating aktor at senador na si Bong Revilla.

Makikita na sinorpresa ni Sen. Sherwin ang kanyang partner habang hawak-hawak ang isang cake.

Lahad niya sa FB, “Happy Birthday Bianca! [cake emoji] Sweet naman ng seatmate ko Sen. Win”

Spotted sa video post ni Sen. Bong ang mag-asawang Senador Cynthia Villar at Manny Villar, at Sen. Grace Poe na dumalo rin sa party.

Read more...