Kiray binabad ang pwet sa swimming pool, netizens inasar-asar si Senyora

Kiray binabad ang pwet sa swimming pool, netizens inasar-asar si Senyora

Kiray Celis

NALOKA na naman ang mga netizens sa pagpapasilip ng komedyanteng si Kiray Celis ng kanyang pwet sa social media.

Pinagpiyestahan ng mga Instagram at Facebook users ang pinakabagong “wetpaks” photo ni Kiray na may konek sa mga ibinebenta niyang whitening products.

Sa nasabing litrato, makikitang nakababad sa swimming pool ang Kapuso comedienne kung saan nakabuyangyang nga ang kanyang pwet na malupet.

Sey ni Kiray sa inilagay niyang caption, “Mapa singit man, wetpaks, tuhod, batok or kilikili.. wag kang mawawalan ng pag-asa!”

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizens nang bumalandra sa kanilang feed ang makinis at maputing pwet ng komedyana. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

Baker Bet Mo: Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: ‘Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public’

“Buti may wetpaks may asset hehehe!”

“Sana all maputi!”


“Ang kinis at ang puti ng wetpaks mo mii.”

“Ang puti at kinis idol.”

Baka Bet Mo: Netizens naloka sa okrayan nina Kiray at Senyora; iba pang celebs damay?

“Parental guidance May batang nakakakita ng kaputihan ng legs ni Family kiray.”

“Miss Kiray Celis nmn malamig n nga nag gnyan kpa. sobrang gnda nyo po.”

“Idol yung natural na ikaw ay sapat na. Hanga aq sau miss kiray dahil lhat gagawin mo pr sa pamilya mo. Mapaligaya mo mamat papa mo. Higit kitang hinahangaan miss kiray kc ikaw yung totoong nakikita kung tao na mapagmahal sa pamilya..love you miss kiray..more success anak…im very proud of you.”

Samantala, karamihan sa mga nagkomento sa post ni Kiray ay tinag pa ang sikat na socmed personality na si “Senyora” na madalas na katalakan at kabardagulan ni Kiray.

“Senyora…papayag ka ba na ganito nalang palagi.”

“Inaantay ko comment ni Senyora.”

“Ung budhi mo Senyora. Kaya din paputiin ni Kiray Celis.”

“Magagalit na naman niyan si Senyora
Ms. Kiray Celis.”

Read more...