Enchong may makakatrabahong Hollywood star; walang isyu kay Paul Soriano

Enchong may makakatrabahong Hollywood star; walang isyu kay Paul Soriano

Rhea Tan at Enchong Dee

CONFIRMED! Tuloy na tuloy na ang gagawing international movie ng Kapamilya host-actor na si Enchong Dee.

Isa raw ito sa itinuturing na biggest blessing na natanggap ni Enchong ngayong 2023 at feeling niya, ito na ang magiging pinakabonggang highlight ng showbiz career niya.

Nakachikahan ng ilang members ng press ang binata last Saturday, November 25, sa naganap na birthday celebration ni Rei Anicoche Tan, ang President at CEO ng Beautederm Corporation.

Dito, natanong si Enchong kung ano ang mga bagong pasabog niya sa 2024, “Alam n’yo, parang may regalo na si Lord sa akin for next year already.


“Lagi ko lang sinasabi na, alam mo yun, every year, may bago kang magagawa, may bago kang mae-experience.

“So I think it’s safe to say kasi nasabi ko naman ito sa ibang interview, but I will shoot my first international film sa February,” masayang pagbabahagi ng aktor.

Baka Bet Mo: Jessy nami-miss na agad ang pagsipa ng anak sa kanyang tiyan: ‘I never knew I could love like this, my little Rosie…’

“May something different pero the fact na it’s a Brillante Mendoza film, it’s already something big!” chika pa Enchong.

Sundot na tanong sa kanya kung sinu-sino ang makakasama niya sa naturang project, “Hindi ko alam kung puwede ko na siyang ma-share.

“Pero nu’ng last time na nag-interbyu kami sa L.A., yun yung nabanggit ko na sabi niya, ‘Yeah, I think you can share it that we will do a film next year.’

“Parang hinintay lang namin na matapos yung actors’ strike. Kasi kakatapos lang, di ba? Finally dahil tapos na siya, we can start onboarding SAG actors,” aniya pa.

At dahil may involved na ngang SAG, ibig sabihin ay posibleng may makasama siyang Hollywood actors sa cast, “Opo, so excited po ako. Sobra po akong excited. Parang feeling ko, yun ang highlight ng next year.


“Gusto ko lang makita ng tao na, ‘Ahhh, si Enchong, sinusubukan talaga niyang ibahin kung ano ang mga nagawa niya dati. So, yun lang po,” sabi pa niya.

Samantala, tungkol naman sa isa pa niyang pelikula, ang “The Fisher” kasama si Mon Confiado, nausisa rin siya tungkol sa naging working relationship nila ng kanilang direktor na si Paul Soriano.

Magkaiba kasi ang pinaniniwalaan nila pagdating sa usaping politics – si Pangulong Bongbong Marcos ang sinuportahan ni Direk Paul habang si Leni Robredo naman ang binoto ni Enchong.

Baka Bet Mo: Enchong Dee lumipad pa-Davao para sa hearing ng kanyang P1 billion cyber libel case

“Naku, nakakatuwa! Kasi nu’ng time na yon, isa siya sa mga producers at directors na in-embrace ako.

“It was a sensitive year for a lot of us pero nag-focus lang kami sa trabaho. And because of that, yung dahilan na nag-focus lang ako sa trabaho, nakaabot kami sa China, nakaabot kami sa Japan.

“So, naging instrumento siya para maging isang blessing,” sabi ng binata.

Naniniwala siya na nasa healing stage na ang kanilang sitwasyon, “Parang kailangan, e. Kailangan. I think the reason also why you know I can smile, there’s always healing,” sabi ni Enchong.

Read more...