Jessy nami-miss na agad ang pagsipa ng anak sa kanyang tiyan: 'I never knew I could love like this, my little Rosie...' | Bandera

Jessy nami-miss na agad ang pagsipa ng anak sa kanyang tiyan: ‘I never knew I could love like this, my little Rosie…’

Ervin Santiago |January 08,2023
facebook
share this

Jessy nami-miss na agad ang pagsipa ng anak sa kanyang tiyan: ‘I never knew I could love like this, my little Rosie…’

Ervin Santiago - January 08, 2023 - 03:37 PM

ABANGERS na ang madlang pipol sa gagawing pa-face reveal nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa bagong silang nilang anak na si Isabella Rose Tawile Manzano o Baby Peanut.

May litratong ipinost si Jessy sa kanyang Instagram account pero ang kamay lang ng sanggol ang makikita rito habang ibinahagi naman ni Luis ang photo niya na karga-karga si Baby Peanut pero hindi pa rin kita ang mukha.

Kaya naman nagre-request ang kanilang mga social media followers na sana’y ibahagi na ng celebrity couple ang itsura ng sanggol para magkaalaman na raw kung sino sa kanila ang kamukha nito.

Inamin naman ni Jessy na isinilang niya ang panganay nila ni Luis two weeks ago, bago pa sumapit ang Bagong Taon.

“Missing my baby’s kicks in my womb,” ang pahayag ng aktres sa kanyang Instagram Stories kung saan makikita ang paghaplos niya sa kanyang tiyan.

“Almost two weeks post partum. I never knew I could love like this. My little Rosie,” dagdag pa ng first-time mom.

Unang ibinalita nina Luis at Jessy sa publiko na magiging parents na sila last August sa pamamagitan ng isang vlog na kuha sa isang chapel sa Benguet.

Kung hindi kami nagkakamali, plano sanang magpakasal uli ng mag-asawa sa simbahan ngayong 2023 pero bigla nga nilang nalaman na magkakaroon na sila ng anak.

Ikinasal sina Jessy at Luis noong February, 2021 sa isang intimate garden ceremony.

Related chika:

Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Baguhang sexy star nakipaghiwalay sa dyowang produkto ng reality show: Sumisikat na kasi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending