Aubrey pinatunayang may himala, anak na may ASD nagpa-stem cell therapy

Aubrey pinatunayang may himala, anak na may ASD nagpa-stem cell therapy

Troy Montero, Aubrey Miles at Rocket

MAGANDA ang naging epekto sa anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket ng ilang buwang gamutan at therapy.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account ang latest development sa health condition ni Rocket na na-diagnose ng autism spectrum disorder (ASD).

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-share si Aubrey ng ilang litrato ni Rocket na naka-pose sa camera. Aniya, hindi raw ito nagagawa noon ng bagets.

“From not being able to take pictures to this. Still a working progress but this will do,” ang simulang bahagi ng mensahe ng aktres.

Baka Bet Mo: Anak nina Aubrey at Troy may ASD: At first we were confused and questioned ourselves, how and why?

Aniya pa, “Being able to stand still as a kid on the autism spectrum is huge. Smiling is a bonus.”


Itinuturing din nina Aubrey at Troy na isang himala ang ilang bagay na natututunan ng kanilang anak matapos sumailalim sa therapy, “From not talking and now copying every word we say is a miracle.”

Baka Bet Mo: Aubrey sinisi ang sarili sa pagkakaroon ng ASD ni Rocket: Sabi ko, ‘Ako ba ‘yan? What did I do? Yung genes ba namin?

Kuwento ng aktres, sumailalim si Rocket sa stem cell therapy at hyperbaric oxygen therapy nitong nagdaang August. Bukod dito, sumailalim din ang bata sa speech and occupational therapy.

Last year, kinumpirma nina Aubrey at Troy na may ASD ang apat na taong gulang nilang anak. Hindi raw madali ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya hinggil sa kundisyon ni Rocket.

Ngunit dahil din daw sa pagsubok na ito ay natutunan din ng celebrity couple ang mas malalim pang uri ng pagmamahal.

“‘Yung relationship namin ni Troy, parang, ‘may ibibigay pa pala tayo.’ Akala mo ito na yung best love. Hindi pa pala, so ang dami lang namin natutunan,” sabi ni Aubrey.

Aside from Rocket, may dalawa pang anak sina Troy at Aubrey, yan ay sina Hunter at John Maurie.

Read more...