Shaira, EA pinag-uusapan na rin ang kasal, pero ipon-ipon muna

Shaira Diaz, EA Guzman pinag-uusapan na ang kasal, pero mag-iipon muna

EA Guzman at Shaira Diaz

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ng celebrity couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman ang kanilang future.

Ten years na ngayong magkarelasyon ang magdyowa at kahit nga hindi pa sila engaged ay talagang pinag-uusapan na nila ni EA ang kasal at pagbuo ng sarili nilang pamilya.

Isang bonggang church wedding ang naiisip nina Shaira at EA dahil nais nilang maging memorable ito hindi lamang para sa kanila kundi maging sa mga taong naging bahagi na rin ng kanilang buhay, bukod pa sa kanilang pamilya.

“Well, si Edgar gusto niya yung medyo grand, hindi naman super, pero medyo lang. Parang once in a lifetime lang naman siya mangyayari, at iyon na rin yung pinaka-gift namin sa isa’t isa, yung wedding na yun.


“Kasi ang tagal naming magkasama, ang tagal naming nagmamahalan na, just to celebrate, alam mo yun, parang siguro naman okay lang na medyo grand kahit paano,” pahayag ni Shaira nang makausap ng ilang members ng press sa mediacon ng latest Kapuso series na “Lovers/Liars.”

Baka Bet Mo: EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Tungkol naman sa target age ng pag-aasawa, “Wala naman, pero sakto na din naman po, e, 28 na po ako ngayon, si Edgar ay 33 or 34 na po, hindi ako sure. Ha-hahaha!”

Balak daw nilang magpakasal ni EA, “Pagka-graduate po, siguro kahit isang taon na ipon muna, para lang ready kami parehas, hindi kami pupulutin sa kangkungan, alam mo yun?

“Para magawa namin yung dream wedding namin, gusto ko may ipon kami parehas, hindi lang siya, hindi lang ako,” sey ng TV host-actress na fourth year Marketing Management student sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

One year na lang at ga-graduate na siya sa.college, “And then ipon lang ng one year tapos puwede nang pag-usapan. Kasi gusto ko pag pinlano na namin yung kasal, parang gusto ko ready na ko, wala ng, ‘Ay teka lang may assignment ako!’

“Walang, ‘Ay teka lang, may project ako!’ Ayoko ng ganu’n, gusto kong mag-focus na lang kay Edgar,” sey pa ni Shaira.


Alam din kasi nila na hindi pang-forever ang showbiz, “Kasi naniniwala ako na hindi naman forever yung showbiz, e. Maraming dumarating, maraming bago, marami ding talented, and ako, nakikita ko na hindi din ako masyadong magtatagal dito.

Baka Bet Mo: EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

“I mean, kung gagawa ako ng…kung bubuo ako ng pamilya, I’m sure na parang mas more on doon ako sa family muna, yung ganu’n po.

“Hindi ako nagsasalita nang tapos, pero nakikita ko lang yung sarili ko na hindi super, hindi forever talaga (ang showbiz),” dagdag pa niya.

Ano nga ba ang sikreto nina EA at Shaira at tumagal na ng isang dekada ang kanilang relasyon, “Siguro ano na lang po talaga, pagkakaroon ng open communication po.

“Nandiyan yung trust, nandiyan yung love, pero yung communication and yung pagiging open. Yung honesty din and yung pagiging understanding ng bawat isa, iyon po.

“Kasi marami na din kaming ups and downs ni EA, e, nasubok na din kami, pero dahil gusto namin.

“We choose to stay, we choose to be in love with each other, kaya po siguro nagtagal din kami ng ganito. Kasi kahit may mga flaws yung bawat isa, tanggap namin yung isa’t isa,” lahad pa ni Shaira.

Napapanood na ngayon sa GMA Telebabad ang “Lovers/Liars” na pagbibidahan ni Claudine Barretto. Bukod kay Shaira, ka-join din sa serye sina Lianne Valentin, Kimson Tan, Christian Vasquez, Michelle Vito, Rob Gomez, Polo Ravales at Yasser Marta.

Ito’y mula sa direksiyon ni Crisanto Aquino.

Read more...