Sa story conference kahapon, ipinakilala na ang kanilang mga karakter. Gaganap si Barbie bilang Adelina habang bibigyang-buhay naman ni Sanya ang half-sister nitong si Teresita.
Pareho silang bodabil stars kaya naman sasabak din sina Barbie at Sanya sa tap dancing at singing lessons.
Samantala, gagampanan ni David ang role ng isang Japanese soldier na si Hiroshi at bilang paghahanda ay mag-aaral ang aktor ng Nihongo.
Makikilala naman si Alden bilang Eduardo, ang half-brother ni Adelina na may dugong Amerikano.
Kasama rin sa powerhouse cast sina Epy Quizon, Angelu De Leon, Rochelle Pangilinan, at Aidan Veneracion. Base sa panulat ni Suzette Doctolero at direksyon ni Dominic Zapata, iikot ang kuwento ng “Pulang Araw” sa mga kaganapan sa bansa noong panahon ng World War 2.
* * *
Talaga namang pasabog ang pasilip ng GMA Network sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre!”
Sa inilabas nitong teaser kamakailan, makikita ang powerful moves at enchanting looks ng bagong henerasyon ng mga Sang’gre na sina Bianca Umali bilang Terra, Faith Da Silva bilang Flamarra, Kelvin Miranda bilang Adamus, at Angel Guardian bilang Deia.
Mapapanood din sa naturang video ang bonggang visual effects ng serye, pero sabi nga ng GMA 7, patikim pa lang ‘yan!
Kasunod nito, marami nang na-excite sa pagbabalik ng Encantadia. Komento ng isang netizen sa GMA Network Facebook page, “The fans are winning with the new faces, the visual effects, the music, and the element-bending in this teaser! Can’t wait to see this drama once again! Goosebumps talaga!”
Abangan sina Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa; Flamarra, anak ni Sang’gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy; Adamus, anak ni Alena at ang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang’gre; at Deia, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Kasama rin sa bonggang cast sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.