Juancho, Joyce sumabak sa marriage retreat: ‘Hindi kami nagsisi’

Juancho, Joyce sumabak sa marriage retreat: 'One of the best decisions sa 2023'

Juancho Trivino at Joyce Pring

HINDI nagsisi ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na magtungo sa Baguio City para sa isang  marriage retreat.

Masayang ibinalita ni Joyce sa pamamagitan ng kanyang social media account na napakalaking tulong sa pagsasama nila ni Juancho ang nasabing retreat para sa mga mag-asawa.

Kuwento ng TV host at celebrity mommy, nagdesisyon silang um-attend sa naturang marriage retreat bilang bahagi na rin ng kanilang selebrasyon para sa 4th wedding anniversary nila bilang mag-asawa.

Kalakip ang kanilang mga litrato na kuha sa dinaluhan nilang marriage retreat ang kuwento ni Joyce tungkol dito kung saan inamin niyang medyo nagdalawang-isip pa siyana pumunta.

“A few weeks ago, we were in Baguio to attend a marriage retreat.

Baka Bet Mo: Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

“We initially had something else booked for those dates, but Juancho insisted for us to go to the retreat instead.

“At first, I was reluctant, but agreed eventually,” ang simulang bahagi ng kanyang caption.


Dagdag pa ng Kapuso TV host, “It turned out to be one of the best decisions we’ve made this year.

Baka Bet Mo: Joyce Pring isinilang na ang 2nd baby, may nakakalokang hirit kay Juancho Trivino: ‘Hirap na hirap yarn?’

“We learned so much from the speakers, enjoyed time with our family and friends, had fun as husband and wife, learned new insights, talked, laughed, danced, and found ourselves with a renewed sense of romance,” aniya pa.

Pagbabahagi pa ng wifey ni Juancho, sa isang bahagi pa ng retreat ay nabigyan pa silang mag-asawa ng pagkakataon na mag-renew ng marriage vows sa isang special and simple ceremony.

“To many more marriage retreats and figuring stuff out together @juanchotrivino,” dagdag pang message ni Joyce para kat Juancho.

Sey pa ni Joyce, “one of the best decisions” daw na nagawa nila ngayong 2023 ang um-attend sa nasabing marriage retreat.

Ikinasal sina Juancho at Joyce noong 2020 at isinilang naman ang first baby nilang si Alonso Eliam noong July, 2021 at winelkam naman nila ang kanilang second child na si Agnes Eleanor nito lamang April, 2023.

Read more...