Ninong Ry inatake rin ng anxiety, depresyon: ‘Kaya ako nag-vlog!’

Ninong Ry inatake rin ng anxiety at matinding depresyon: 'Kaya ako nag-vlog!'

Ninong Ry kasama ang cast members ng ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’

NANG dahil din sa anxiety at matinding depresyon kaya napasok sa pagba-vlog ang sikat na content creator na si Ninong Ry.

Kasagsagan ng COVID-19 pandemic nang simulan ni Ninong Ry ang pagiging vlogger sa YouTube. Ito raw yung panahong nabaon siya sa utang.

Nagsimula muna siya sa pagpo-post ng  video ng kanyang mga nilulutong putahe noong July, 2020 sa Facebook hanggang sa gumawa na rin siya ng mga content sa YouTube.

Sa ginanap na presscon ng kauna-unahan niyang pagsabak sa aktingan last November 14, ang pagbabalik ng horror trilogy na “Shake, Rattle & Roll Extreme” from Regal Entertainment, nag-share si Ninong Ry ng naging struggles niya during the pandemic.

Natanong siya kung nagkaroon din ba siya ng mental health problems, “Kaya ko sinimulan ko ang vlog. Actually dahil du’n. Kasi nu’ng time na yun, ang trabaho ko ay family business namin. Nagtitinda ako sa palengke, sa Malabon.

Baka Bet Mo: Ninong Ry inaming naging tindero sa palengke: It taught me na there is no job beneath you

“Yung utang (ko), personal yun. Hindi alam ng nanay ko yun. Nalaman na lang niya yun nang nabayaran ko. Kaya dinadala ko yun araw-araw dati.

“Anyway, napasara kami sa palengke kahit essential workers kami dati gawa ng na-expose yung isa naming tao. Tapos nagpa-check.


“Kahit alam ko na naman talaga. Pucha! l
Lahat yata ng kasalamuha ko dito, may COVID! Wala namang nagpapa-test dito. Kasi nu’ng time na yun, mahirap ang testing. Mahirap ang testing. Mahal saka ang tagal ng resulta.

“E, walang willing magsara! Di ba? So, yun nga, na-expose ang tao namin, napasara kami, tinest kaming lahat.

“Siyempre ako, nababaliw ako. Sabi ko, ‘Pucha! Ano’ng nangyayari sa amin dito? Baka wala na kaming negosyong balikan. Baka magkaubus-ubos kami dito.’

“Tapos ako, wala pang trabaho, nagtatrabaho pa ako sa nanay ko. Inabala ko ang sarili ko by playing video games.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

“Tapos eventually mga dalawang araw, tatlong araw, tinamad na ako — nag-video na ako. Luckily marunong akong mag-edit ng videos dahil sa mga project-project nu’ng college.

“Basically, sabi ko sa sarili ko, ‘Ubusin ko ang oras ko dito, sa pagsu-shoot at pag-e-edit ng video.’ Para pagkatapos ng araw, pagod ako. Gawin ko nang isang buwan ito, okay na ako. Magbukas na uli kami,” litanya ng vlogger na artista na rin ngayon.

Sa tanong kung ano na ang net worth niya bilang celebrity YouTuber, “Ay! Hindi ko po puwedeng sagutin yan! Mayayari po ako diyan, hindi po natin puwedeng sagutin yan! Ha-hahaha!”

Actually, kuwento ni Ninang Ry, hindi raw naman agad pumatok ang kanyang mga content dahil isang buwan pa bago napansin ang mga video niya.


At nu’ng una ay puro kamay lang niya nakikita sa content niya, “Walang tatanggap sa mukhang ito, alam mo yun! Hindi agad-agad!

Baka Bet Mo: Ninong Ry sa mga kapwa chubby: Pilitin nating mahalin ang sarili natin

“Hindi agad-agad, kamay-kamay lang talaga nung una. Tapos, kasi wala akong pakialam, e! Ang kailangan ko lang talaga, ubusin ang oras at energy ko sa araw na yun. Wala akong pakialam!

“Basta ang importante, konti, ganyan-ganyan. Tapos nu’ng… bago bumalik yung business, may pumasok nang pera. Ang perang pumasok ata sa akin noon, three dollars ata. Yun ang una kong sahod.

“Tapos may pumasok uling pera, sabi ko, ‘Ma, baka puwedeng hindi na ako bumalik sa palengke!’” sey pa ni Ninong Ry.

Samantala, gusto naming palakpakan si Ninong Ry sa akting na ipinakita niya sa “Shake, Rattle & Roll Extreme” na showing na sa November 29.

In fairness, halos lahat ng nakausap namin na nanood sa premiere night ng latest offering ng Regal Entertainment, ay nagsabing natural comedian si Ninong Ry kaya naniniwala sila na marami pang gagawing acting projects ang vlogger.

Read more...