ITINANGHAL bilang Best in National Costume ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee ilang araw matapos ang Miss Universe 2023 coronation night.
Nitong Biyernes ng gabi, November 24, inanunsyo ng Miss Universe Organization ang naging resulta ng national costume competition na nangyari noong November 17, isang araw bago ang coronation night na ginanap sa El Salvador.
“And the National Costume Winner is… Michelle Dee!
“Chosen by the fans on our official Miss Universe app, Philippines is taking home the costume vote for this incredible outfit!” ayon sa caption ng Instagram post ng Miss Universe.
Limang araw nang tapos ang Miss Universe 2023 ngunit kahapon lang ibinandera kung sino ang nagwagi. “A look back at the script of the National Costume Show as Michelle took the stage: ‘It’s a bird, it’s a plane…it’s Philippines! Crowned with a captain’s hat, this costume is a salute to the delegate’s role as an Air Force reservist.
“The look is representative of her country – resilient and radiant. There’s no denying, she’s the queen of flying … in the PHILIPPINES.’” sey ng Miss Universe organization.
Baka Bet Mo: Michelle Dee sa official statement ng MU El Salvador: There should be no room for error but…
Ang Best in National Costume ang pang-apat na award na natanggap ni Michelle mula sa prestihiyosong international beauty pageant.
Una na niyang nasungkit ang Voice for Change Gold Award, Fan Vote winner, at Spirit of the Carnival Award.
Ngunit kahit na maraming hinakot na awards si Michelle ay hindi pa rin ito pumasok sa Top 5 at nagtapos ang journey bilang parte ng Top 10.
Marami naman sa mga Pinoy pageant fans ang napa-react sa pagkaka-announce sa pagkapanalo ng Kapuso actress-beauty queen ng naturang award.
Imbes kasi na matuwa ay tila lalo pang nanggigil ang maraming tagasuporta ni Michelle sa naturang award.
May ilang nagsasabi na kung sakaling inanunsyo ang kanyang pagkakapanalo sa national costume ay for sure pasok ito sa Top 5.
Kinuwestiyon rin kung bakit sobrang delayed ang announcement at parang pampalubag loob na lang daw para sa mga Pinoy fans na hanggang ngayon ay kinukuwestiyon pa rin ang naging resulta ng Miss Universe 2023.
“Yes, Nicaragua deserves it, but not allowing Miss Philippines to enter the top 5 is ridiculous and unacceptable. We all know that Miss Philippines can earn a place in the top 5 and Michelle won the fan vote,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “If the Best in National Costume was announced before the top 5, it would have created a bigger expectation that MMD will be in top 5. Was it purposely hidden? Is it again a human error? We need answers.”
“We also know that Michelle’s advocacy can win on its own. So, why didn’t you give Michelle a chance? Het looks, walk, confidence, and advocacy and also the way she caried the swimsuit, NC, and evening gown, have the power to come close to the crown,” sey pa ng isa.
Matatandaang una nang kinuwestiyon ang resulta ng Top 5 nang mag-post ang Miss Universe El Salvador sa kanilang Instagram page ng art card kung saan pasok si Michelle ngunit agad rin itong binura at kalaunan ay pinalitan siya ni Anntonia Porsild na kandidata mula Thailand.
Samantala, super happy naman ang pambato ng Pilipinas nang malaman niya ang kanyang pagkakapanalo.
Sey ni Michelle, “Truly believe that WE deserve this award (…amongst other things) So much hard work was put into this costume! Incredibly happy for my designer @barassimichael too!
“Just proves that we came PREPARED. #BAYANIHAN”