Miss Universe PH nagsalita sa viral exit video ni Michelle Dee sa TV guesting sa Mexico

Miss Universe PH nagsalita sa viral exit video ni Michelle Dee sa TV guesting sa Mexico

Michelle Dee

AGAD na nilinaw ng pamunuan ng Miss Universe PH ang kumakalat na video ng diumano’y pagpapaalis ng MUO owner na si Anne Jakrajutatip sa pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee habang nasa TV guesting sa Mexico.

Makikita sa video na nasa entablado ng Mexican TV show na “Venga La Alegri” si Michelle. Kasama ng dalaga ang iba pang mga kandidata mula sa Lebanon, Columbia, Germany, Thailand, USA, pati na rin si Anne at isa pang lalaki.

Habang nakatayo ay may babaeng staff na lumapit kay Anne at may ibinulong sa Miss Universe Organization owner.

Makalipas ng ilang sandali ay lumapit ito kay Michelle at sinamahan itong um-exit sa stage.

Ang naturang clip na kumalat sa social media ay nagpainit ng ulo ng mga netizens na sumusuporta sa Kapuso actress at beauty queen at iba’t ibang interpretasyon na ang naglipana online ukol rito.

Karamihan ay nagalit at nabastusan kay Anne dahil sa umano’y pambabastos at pambubully nito sa Miss Universe Philippines 2023.

Baka Bet Mo: Miss Universe PH 2023 Michelle Dee umaming bisexual: ‘I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes’

Kaya naman agad na naglabas ng official statement ang Miss Universe Philippines upang bigyang linaw ang tunay na kaganapan sa likod ng viral exit video.

Ayon sa organisasyon ay hindi totoong pinaalis ni Anne sa stage si Michelle.

Saad ng Miss Universe Philippines, “We’d like to clarify some speculations regarding a video circulating showing Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee being escorted from a line-up in a TV guesting in Mexico City.

“Firstly, the segment was over by the time she exited.
“Michelle had to excuse herself to drink water because she wasn’t feeling well due to the past weeks’ tedious back-to-back schedule.”

Nang mapansin raw nila ang kalagayan ni Michelle ay nagdesisyon ang mga ito na pagpahingahin ang dalaga.

“Upon seeing her condition, the MUPH Team decided that it was best for her to go back to the hotel to get some rest.

“Michelle hopes to join the city tour today as long as she feels better.

“Please wish that she gets well soon.”

Read more...