Michelle Dee
“KASALANAN” din daw ng Philippine representative sa Miss Universe 2023 na si Michelle Dee kung bakit hindi siya nakapasok sa Top 5 finalist.
Maraming naaliw sa viral na ngayong meme sa social media patungkol sa pagkatalo ni Michelle sa ginanap na grand coronation ng 72nd Miss Universe pageant sa El Salvador last Sunday.
Nakasaad sa meme ang paninisi ng netizen sa dalaga sa pagkabigo nitong maiuwi sa bansa ang titulo at korona – wala raw kasi siyang “pagkukusa.”
Sey ng gumawa ng meme, sana raw ay nanggulat na lang siya sa stage at kahit hindi tinawag ang pangalan niya sa Top 5 ay kusang-loob na siyang rumampa patungo sa gitna ng entablado.
Ang nakakalokang hirit ng netizen sa kanyang X post, “Ang problema kay Michelle Dee walang pagkukusa, gusto pa tawagin para pumunta sa unahan.
“Next time kahit di tawagin sa Top 5, pumunta pa rin sa harap. Magkusa na lang hindi yung inuutusan pa,” hirit pa niya.
Naniniwala ang maraming pageant fans na sa halip na si Miss Thailand, mas deserving daw si Michelle na makapasok sa Top 5 finalists ng katatapos lang na pageant.
Baka Bet Mo: Rabiya Mateo hinahanting ang basher na nagsabing ‘malas’ siya kay Celeste, gustong i-report sa pinapasukang kumpanya
At kung sakaling nakapasok daw ang pambato ng Pilipinas sa Top 5 ay siguradong lalamunin nang buhay ni Michelle ang kanyang mga kalaban lalo na sa Q&A segment.
Sa isang panayam kay Michelle tanggap naman niya ang kanyang pagkatalo at talaga raw “destiny” ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang makuha ang korona at titulo.
“Of course, ultimately, it was Nicaragua’s destiny. She’s an amazing woman. So, I mean, on to bigger things, of course,” ang pahayag ni Michelle sa panayam ni Dyan Castillejo.
Baka Bet Mo: Brillante Mendoza sa pelikulang hindi nakapasok sa MMFF 2023: ‘It’s OK…I didn’t expect much’
Dagdag pang chika ni Michelle sa naging experience niya sa Miss Universe 2023 grand coronation, “It felt amazing. It felt like home. You know, I love putting on a show.
“But most especially, I love just making all of my countrymen so proud. And kita niyo naman, talagang binigay ko talaga lahat.
“Everything that I could afford to give, I lifted it on that stage. And ultimately, I just left it to destiny. Of course, it’s not the result that we wanted.
“But I know, as long as all of you are proud, as long as all of you saw the hard work and dedication that was made behind it, not just for myself, but the whole team behind me as well, that’s enough for me. And ultimately, I hope you all are happy,” aniya pa.