Rob Gomez feeling superhero dahil sa anak: ‘I’m unbreakable right now…when I have my daughter, I’ll be stronger!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Rob Gomez
MAS gusto munang mag-focus ng Kapuso leading man na si Rob Gomez sa kanyang anak kesa magkaroon ng bagong lovelife.
Nilinaw ng aktor na hindi raw niya nililigawan uli ang kanyang ex-fiancée na si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera dahil mas nais niyang ibuhos muna ang kanyang atensiyon sa anak nila.
“I do not have one (lovelife). Sadly. Father life, I wanna focus on that. Father life, fatherhood,” ang pahayag ni Rob sa press sa mediacon ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” last November 14.
Nasira ang relasyon nina Rob at Shaila nang sabihin ng aktor sa “Fast Talk With Boy Abunda” na single siya pero ang katotohanan pala ay magkarelasyon sila ng dating beauty queen.
Bigla ngang nag-post si Shaila sa Facebook ng litrato nila ng kanyang eight-month old daughter na si Amelia, ang anak nila ni Rob. Kasunod nito, nakipaghiwalay nga si Shaila sa aktor.
Pagbabahagi pa ni Rob tungkol sa kanila ni Shaila, “We’re still working out some kinks. My daughter’s birthday is coming up. December 5th. So I’m so excited for that. I hope everything comes together, I hope.”
Sey pa ng aktor tungkol sa realization niya sa mga nangyari, “I learned that when you try to balance something, you really can’t. So, kapag may alat na isa, may masa-sad na isa.
“And I’m just so sorry na nadamay yung anak ko du’n sa problem ko with my girlfriend and ex-fiancée. So, sana hindi nangyari. I wish na I just said it in Boy Abunda. Kasi, that was my plan, e. That was my plan, na du’n ko na sasabihin.
“But then, as I got there, I asked everyone. And I let everyone else affect my decision na huwag na lang, kasi may show. Not the time blah-blah-blah!” aniya pa.
In fairness, mukhang hindi naman nakaapekto ang paglabas ng balita na may anak na siya sa pagiging leading man niya ni Herlene Budol sa seryeng “Magandang Dilag” dahil humataw pa rin ito saratings game hanggang sa ending.
“Hindi nga ho! Hindi nga ho, e. That was my fault. It was my fault. Nakapagpalakas pa nga ho yata.
“Pero yun nga, I was just so sad na inisip ko na it would… but my daughter was never the problem. She was never the problem. I was the problem, na inisip ko siya nang ganun. But alam ko naman ho na hindi talaga. And I’m with my daughter everywhere.
“I was with my daughter everywhere. It was never a secret. I go out in public, we go to hospitals, malls, vacations. Ilang vacation na rin sa Luzon ang napuntahan namin.
“Ilang beses nakikita and everything. People come up to me, ask for a photo. I’m holding my baby. I just give it to her mom,” aniya pa.
Mariin pa niyang sabi, “I am unbreakable right now! I have nothing left to lose! have nothing else to lose, I can go through a wall and not fear. When I have my daughter, I’ll be stronger.”
Sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan ni Rob, parang sinuswerte pa siya ngayon sa kanyang career dahil pagkatapos ng “Magandang Dilag” ay may bagong serye siya agad, ang GMA primetime series na “Lovers/Liars” starring Claudine Barretto na nagsimula na last Monday.
Bukod dito, kasama rin si Rob sa horror trilogy na “Shake, Rattle & Roll Extreme” na mapapanood na sa mga sinehan simula sa November 29.
Inamin ni Rob na super happy siya sa kanyang career, “But with my personal life, not so much right now. I’m still working on it. I have to be honest, I’m not so good with interviews talaga.
“I suck at interviews. Masasabi ko lang po talaga, I suck, I suck at interviews. Pero I guess honesty is the best policy, right? Para safe, para wala nang ano,” aniya pa.
Samantala, sa kuwento ng “Lovers/Liars”, magiging ka-love triangle ni Rob ang Kapamilya actress na si Michelle Vito kay Polo Ravales. Meaning, mai-involve ang aktor sa gay relationship.
“With the story that’s gonna come out, I think nagulat din ako sa role ko. Pero sana, magampanan ko siya nang maayos na maayos. Kasi feeling ko, kayo rin ho, magugulat. Nagulat ho ako, e, na nilagay nila ako sa ganu’ng role,” ani Rob.
Sa tanong kung isa rin siyang “chickboy” o pwede sa chick, pwede sa boy, “Hindi ho! Ayoko po ng ganu’n. Ha-Hahaha! Hindi ko rin po kakayanin na dalawa ang dyowa na sabay. Mahirap!”
Bukod kina Rob, Polo at Claudine, kasama rin sa “Lovers/Liars” sina Shaira Diaz, Yasser Marta, Kimson Tan, Sarah Edwards, Christian Vazquez at Lianne Valentin.