Hugot ni Harlene sa bagong lovelife ni Romnick: Good for him! | Bandera

Hugot ni Harlene sa bagong lovelife ni Romnick: Good for him!

Julie Bonifacio - March 11, 2019 - 12:10 AM

ROMNICK SARMENTA AT HARLENE BAUTISTA

MASAYA ang aura ni Harlene Bautista nu’ng makatsikahan namin sa grand presscon ng 5th Sinag Maynila para sa announcement ng limang official entries para sa full length, documentary and short film categories.

Okey naman daw ang kanyang puso. May kumakalat kasing balita na may bago nang inspirasyon si Harlene na dati ring member ng youth-orien-ted show ni German Moreno noon, ang That’s Entertainment.

Feeling ni Harlene lumabas ang isyu na taga-That’s ang bago niyang karelasyon dahil ‘yun ang pinakamadaling maisip na i-link sa kanya.

“Kasi siyempre, may mga nakalabtim ako dati ‘di ba? So, I think ‘yun lang ‘yun. Kasi, unless maisip nila na nagbalikan kami ni Direk Rico Gutierrez, pwede rin? Why not? O, sino pa? Ako na ang magsasabi. Hahaha!”

May nakalabtim si Harlene noon sa That’s gaya ni Michael Locsin na isa sa mga pinagdududahan na bago niyang inspirasyon, “Meron pa, hindi ninyo lang alam. Ha-hahaha! Siyempre ‘yung mga hindi ko nakalabtim talaga. Pero off-cam naging kami. O, ‘yung ganoon. Oh, ‘yan.”

Deserved naman ni Harlene ang lumigaya uli since lantad na rin ang balita na may bago nang girlfriend ang ex-husband niyang si Romnick Sarmenta.

“Goooood,” diin ni Harlene. “Good for him.”

Nag-file na raw si Harlene ng annulment nila ni Romnick, “Oo, okey na. Okey na siya.”

Pormang direktor ang datingan ni Harlene sa presscon ng Sinag Maynila. Pumasok kasi ang kauna-unahan niyang idinirek na short film titled “Kiss.”

“Wala, hindi ko maintindihan, e. Siyempre excited, first time tapos parang legit na legit na legit, ‘yung ganoon, alam mo ‘yun? Excited lang,” aniya.

Sa kabila nito, aminado si Harlene na ‘di pa siya ready to direct a full length movie. Mga ilan pang short films pa ang kailangan niyang gawin bago siya sumabak sa pagdidirek ng full length.

Balik-akting na rin si Harlene after two years. Kagagaling lang daw niya that time sa shooting ng pelikulang “Write About Love” mula sa TBA Studios. Nanay ni Yeng Constantino ang role ni Harlene sa movie.

Hindi na raw niya matandaan ang last movie na ginawa niya bilang aktres, pero lumabas siya sa isang episode sa TV program ni Brillante Mendoza sa TV5 two years ago kung saan nakasama niya si Romnick.

“Nakakakaba (balik-akting niya), but actually, mas kinabahan ako kay Direk Brillante kasi, Brillante Mendoza ‘yun. Super kabado ako,” lahad niya.

Nakakatuwa naman si Harlene kasi siya lang yata ang artistang kilala namin na nagpo-produce, nagdidirek at umaarte, all at the same time, “Wow, why not? Kung kaya go. Go lang nang go.”

After ng successful movie nila last Metro Manila Film Festival na “Rainbow’s Sunset,” may kasunod na raw silang project, “Meron kaming series. Surprise muna. Ay, secret muna. Suspense pala. Tapos, siyempre may movie rin kami.”

Samantala, ang iba pang finalists para sa short film category ng Sinag Maynila ay ang “Bisperas” ni Ralph Quincena, “Dana Jung” ni John Rogers, “Due, Pare, Bro” ni Lora Cerdan, “Kilos” ni Marjon Santos, “Marian” ni Brian Patrick Lim, “Memories of the Rising Sun” ni Lawrence Fajardo, “Nagmamahal Sal” ni Jeff Subrabas,” “Panaghoy” ni Alvin Baloloy at ang “Ngiti ni Nazareno” ni Louie Ignacio.

Ang Sinag Maynila na isang indedependent film festival ay itinatag nina Solar Entertainment producer Wilson Tieng at Cannes International Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang festival proper ay mag-uumpisa sa April 4, sa mga sinehan sa Metro Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending