Vivamax sexy star Robb Guinto palaban sa hubaran pero: ‘Sa kissing scene, no tongue at bawal hawakan ang boobs ko’
By: Ervin Santiago
- 12 months ago
Micaella Raz, Vince Rillion at Robb Guinto
MAY limitations ang Vivamax bombshell na si Robb Guinto pagdating sa pakikipaghalikan at paggawa ng mga sex scenes sa mga pinagbibidahan niyang pelikula.
Isa si Robb sa mga mabentang sexy stars ng Vivamax dahil halos every week ay meron siyang bagong pelikula ipinalalabas sa number one streaming app sa bansa.
At ngayon nga ay muli siyang mapapanood sa four part mini series na “Araro” kasama sina Micaela Raz, Vince Rillon, Matthew Francisco, Ronnie Lazaro at marami pang iba.
Pero dito sa “Araro”, hindi siya ang pinakabida dahil nakasuporta lamang siya kay Micaela, “Okay lang naman po sa akin to play both lead and supporting roles.
“Basta may trabaho, go, go, go ako, as I want to explore playing different kinds of characters. Pagkatapos naman nito, may bago uli akong movie, ang ‘Sugar Baby’ kasama si Jeffrey Hidalgo as my sugar daddy,” sabi ni Robb.
Aniya pa tungkol sa kanyang todo-todong pagtatrabaho, “I really want to act and I want to earn more for my family as I’m the breadwinner.
“Apat na kapatid ko ang sinusuportahan ko sa pag-aaral. They understand my work at supportive naman sila. They know I’m doing it to be able to help them,” sey pa ng dalaga.
Sa kuwento ng naturang Vivamax Original series, gaganap si Robb bilang si Erlinda, ang nakababatang kapatid ni Vince Rillon na mabibiktima ng panggagahasa.
“I was raped by Matthew Mendoza, the son of a rich land owner, si Don Luis, played by Ronnie Lazaro. Dahil doon, gaganti si Vince sa kapatid ni Matthew na si Micaela Raz at lahat ng babae sa farm nila. Kaya ‘Araro’ ang title ng series, kasi inararo niya lahat ng mga babae roon,” kuwento ni Robb.
Ito ang unang pagkakataong nakatrabaho niya si Direk Topel Lee at inamin niyang intake talaga siya ng matinding takot at nerbiyos
“Kinakabahan ako nu’ng una kasi nga first time ko to be directed by him. But he helped to understand my role well, lalo na doon sa rape scene and sa dramatic scenes,” kuwento niya.
Sabi ni Robb, talagang pinag-usapan nila ni Matthew ang kanilang rape scene, “Kasi may limitations po ako. Sa kissing scene, no tongue. At bawal to touch my boobs. Also, no frontal for me at naka-plaster ako all throughout. Okay naman siya. He didn’t take advantage.”
Handa naman daw siyang mag-frontal sa susunod niyang project, “Siguro po, given the right project, I might. Kailangan lang na maganda talaga yung story and yung role ko.
“At sana okay yung director, mapag-uusapan naman po yun. Sa Hollywood and foreign films nga, top actresses do it, pero the project and the role should be really worth it,” pahayag pa ni Robb.
Samantala, sasagutin ng “Araro” ang tanong kung ano ang kaya mong gawin para sa pamilya? Handa ka bang isakripisyo ang kinabukasan mo para sa kanila? Kaya mo bang kalimutan ang sarili para unahin ang kapakanan nila? Anong hangganan at limitasyon ng mga bagay na kaya mong harapin para sa pamilya?
Si Vince Rillon ay ang kapatid at anak na gagawin ang kahit na ano at tatapakan ang kahit na sino para ipaghiganti ang pamilya.
Isang Vivamax Original Series mula sa direksyon ni Topel Lee, bibida sa “Araro” si Vince na gaganap bilang Edgar, isang mapagmahal na anak at maalagang kapatid. Si Arah Alonzo naman si Rosalia, ang love interest ni Edgar.
Sina Micaella Raz at Dyessa Garcia ay sina Luisa at Lyka Sanchez, at si Cess Garcia naman ay si Rhoda – ang tatlong babaeng gagamitin ni Edgar para sa kanyang mga plano. At si Matthew Francisco ay si Leon, ang lalaking paghihigantihan ni Edgar.
Bukod kay Robb Guinto, kasama rin sa “Araro” ang batikang aktor na si Ronnie Lazaro bilang Sir Luis Sanchez, ang mayamang haciendero.
Ang “Araro” ay tungkol kay Edgar, isang simpleng tao na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa pamilya. Laging inuuna ni Edgar kung ano kailangan ng kanyang ama at mga kapatid, at wala itong hindi gagawin para sa kanila.
Magugulo ang simpleng buhay nila nang malagay sa peligro ang kapatid ni Edgar na si Erlinda, at buhay nito ang naging kabayaran.
Sa pagkaguho ng mundo ng pamilya ni Edgar dahil sa nangyari, nangako ang binata na mananagot ang taong pinaniniwalaan nilang dahilan sa pagkawala ni Erlinda, si Leon, at sinisigurado ni Edgar na hindi siya titigil hanggat hindi niya napapagbayad ito.
Sa pagsisimula ng misyon ni Edgar, maingat at detalyado niyang pinag isipan ang kanyang mga magiging plano. Makakagawa siya paraan para makapasok sa Villa Sanchez na pagmamay-ari ng maimpluwensiyang pamilya nina Leon.
Sa pagpasok niya sa teritoryo ng kalaban, plano ni Edgar na durugin ang pagkatao ni Leon at paikutin ang mga taong malalapit dito gamit ang kanyang talino, pagkatuso, pati na ang kanyang sex appeal.
Anong mangyayari kapag nakaharap na ni Edgar si Leon? Mapagbayad niya kaya ito sa wakas sa lahat ng atraso nito sa kanila? Si Leon nga ba ang tamang target? O mas may malalim pang misteryo tungkol sa trahedyang sinapit ng kapatid niya?