TV ni Pia Wurtzbach ‘nagloko’ habang nanonood ng Miss Universe 2023; naniniwalang deserving manalo si Miss Nicaragua

TV ni Pia Wurtzbach 'nabasag' habang nanonood ng Miss Universe 2023; naniniwalang deserving manalo si Miss Nicaragua

Sheynnis Palacios, Michelle Dee at Pia Wurtzbach

BENTANG-BENTA sa netizens ang paandar ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos manood ng Miss Universe 2023 grand coronation na ginanap sa El Salvador.

Marami ang naka-relate sa ipinost ng TV host-actress sa kanyang social media account  tungkol sa nangyari sa kanilang TV after hindi makapasok ang bet ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Top 5 finalists.

Tila nasira at nabasag kasi ang television set na pinapanooran nina Pia nang mabigo si Michelle na makausad sa question-and-answer portion.

Sa kanyang Instagram story, ipinakita nga ng asawa ni Jeremy Jauncy sa pamamagitan ng isang video clip ang “pagkabasag” ng kanilang TV na may caption na, “Just finished watching Miss Universe. How’s your TV, guys.”

Dugtong pa niya, “Our TV situation after watching @michelledee compete, we were hoping to hear her at Q&A.”

Baka Bet Mo: Regine naimbyerna sa mga nagrereklamo kay Ogie: ‘Wag na kayo manood

Naniniwala naman si Pia na deserving manalo ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios na siyang kinoronahan bilang Miss Universe 2023.


Binati pa niya ito sa isang hiwalay na Instagram story, “A deserving winner. Congratulations @sheynnispalacios_of of Nicaragua.”

Baka Bet Mo: Miss Nicaragua Sheynnis Palacios waging Miss Universe 2023

Samantala, nag-react naman ang actress-beauty queen na si Maxine Medina sa mga kumalat na memes tungkol sa kanila ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios.

Sa kanyang Instagram story, ni-repost ni Maxine ang ilan sa mga pictures at memes nila ng bagong Miss Universe na ginawa ng mga netizens.

“Grabe naman she’s so beautiful,” ang caption ng Kapuso star sa isa niyang IG Story.

Ayon sa mga netizen, napakalaki raw kasi ng pagkakahawig nila ni Miss Nicaragua kaya pasado silang maging sisterakas. Si Maxine ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 kung saan umabot siya sa Top 6.

Read more...