Istriktong female celebrity laging nilalayasan ng kasambahay | Bandera

Istriktong female celebrity laging nilalayasan ng kasambahay

Cristy Fermin - August 19, 2016 - 12:25 AM

BLIND ITEM FEMALE 0415

KAYA naman pala. Kaya naman pala walang tumatagal na kasambahay ang isang female personality ay dahil sa sobrang kakuriputan-karamutan niya.

Palagi palang armado ng notebook ang naturang aktres, notebook na bitbit niya kahit saan, notebook na mismong diary ng kanyang pagiging inuyat.

Nakalistang lahat sa mahiwagang notebook ng aktres ang mga vale ng kanyang mga kasambahay, ang mga nababasag na jar, baso at pinggan, lahat ng nagagawang mali kahit hindi naman sinasadya ng kanyang maid-of-cotton ay detalyadong nakasulat sa makasaysayan niyang notebook.

Ganu’n kahigpit sa kanyang mga kasambahay ang babaeng personalidad, lahat-lahat ay nakalista sa notebook niya, kaya kapag dumarating na ang araw ng suweldo ay halos wala nang natitira sa kanyang mga kasambahay.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n siya katindi, lahat ng bagay para sa kanya, e, may katapat na halaga, gugustuhin ba naman ng mga kasambahay niya na may mabasag silang kagamitan?

“Natural, iwas na iwas sila sa ganu’n dahil ikinakaltas ni ____ (pangalan ng female personality na may nakaputong na korona sa ulo) ang kahit anong nasira at nabasag nila sa kabahayan.

“Pero dahil nga sa ganu’n niyang ugali, e, lalo tuloy nagkakamali-mali ang mga kasambahay niya, palaging ninenerbiyos, kaya nakakabasag sila ng mga kagamitan na pagdating naman ng suweldo nila, e, iniaawas sa kanila.

“At kesehodang lumang-luma na ang nabasag niyang jar, e, bagung-bago pa rin ang amount na sinisingil niya sa mga kasambahay niya, hindi nababawasan ang presyo, kaya matindi ang inis sa kanya ng mismong mga household staff niya,” mahabang kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino ang super-kuring na babaeng personalidad na ito. Meron siyang korona sa ulo, meron siyang kapangalang sikat na babaeng personalidad sa isang mundo na parang showbiz din ang dating, ganern.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending