Claudine sa naging masalimuot na relasyon nila ni Raymart: ‘Yun ang may betrayal, may love, may lies’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Claudine Barretto
SUPER nakaka-relate ang premyadong aktres na si Claudine Barretto sa kuwento at tema sa latest drama series niyang “Lovers/Liars” na mapapanood na sa GMA Telebabad ngayong gabi, November 20.
Tungkol sa “betrayal and deceit” ang kuwento ng naturang primetime serye ng Kapuso Network kung saan makakasama rin sina Rob Gomez, Polo Ravales at marami pang iba.
Sa naganap na mediacon ng “Lovers/Liars” last Wednesday, natanong si Claudine kung ano ang “greatest lie” na naranasan niya sa buhay.
“Siguro ‘yung last love ko, ‘yun na yon. Siguro ‘yun yon, ‘yung may betrayal, may love, may lies,” aniya pa.
Walang binanggit na pangalan si Claudine pero ang huling nakarelasyon niya ay ang kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.
Samantala, naniniwala si Claudine na perfect comeback project ito para sa kanya, “Ang dami na pong dumaan na mga scripts at tsaka offers sa akin.
“Pero nu’ng sinabi sa akin ‘yung plot, parang naisip ko, iba naman siya sa lahat ng mga teleserye na nagawa ko. Kasi po, ever since talaga, ang forte ko is teleserye,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “It has to be kung ano ‘yung age ko, kung ano ‘yung pinagdadaanan ng mga babae na ka-age ko, ‘yun yung gusto kong gawin ngayon na mga roles, and ibang-iba siya kasi matapang at tsaka maraming mga sikreto na hindi mo makikita sa regular talaga na teleserye.”
Pagbabahagi pa niya, “Like what they said kanina, iba na ang gusto ng audience ngayon, iba ‘yung gusto nilang makita. So, ibang-iba siya sa mga ginawa ko.”
Dugtong pa niya, “Career-wise, very, very happy. Kasi nga, ngayong panahon, pinayagan na ako ni Sabina at Santino to really work. And nakakasama ko pa ang dalawang anak ko, kahit saan, naisasama ko.”
Ang tinutukoy ni Claudine ay ang mga mas nakababatang anak na sina Quiah at Noah, “Homeschooled sila o, kahit saan, naisasama ko. Mas happy ako to go to the set.”
Sa tanong namin kung nanibago ba siya sa pagbabalik sa larangan ng aktingan, “Parang akala ko, sobrang manenerbiyos ako, sobra akong matatakot. Pero, si Direk Crisanto (Aquino) nga ang director na dati kong A.D. (Assistant Director) sa Etiquette (For Mistresses) kay Direk Chito Roño.
“Parang hindi na ‘ko ganoong ninenerbiyos dahil I trust him 100%. I trust naman all my directors, iba lang talaga kapag kumportable ka,” aniya pa.
Makakasama rin sa serye sina Shaira Diaz, Yasser Marta, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Christian Vasquez, at Lianne Valentin.
Magsisimula na ang “Lovers/Liars” sa Telebabad Block simula ngayong gabi, November 20, mula sa GMA Network at Regal Entertainment.