DISAPPOINTED ang social media personality na si Rendon Labador sa naging national costume ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Miss Universe 2023.
Sunud-sunod ang naging Instagram story niya nitong Sabado, November 18 kung saan naglabas siya ng pahayag ukol sa inirampang national costume ng actress-beauty queen.
“Bagsak!!! Sa unang pagkakataon nawala ang creativity ng mga Pilipino. Mahal na mahal ko ang Pilipinas pero huwag naman ninyong sirain, kahit sa costume party baka hindi manalo ‘yan,” komento ni Rendon sa isang post ng news page.
Sa sumunod niyang story ay pinatutsadahan naman niya ang designer ng national costume ni Michelle.
“Kung sinoman ang nag-design ng costume ni Michelle Dee, panahon na para magising ka sa katotohanan. Ang tanga mo mag-design. Siguro ikaw ‘yung binola ng magulang simula pagkabata,” talak ni Rendon.
Dagdag pa niya, “Gusto kong hamunin ‘yung taong nag-design ng costume, makapagpalabas man lang ng sama ng loob. Pinahiya mo kaming lahat. Kinawawa mo naman si Michelle Dee.”
Nanawagan nga rin si Rendon sa mga magulang na sana ay huwag basta basta kunsintihin ang mga anak.
“Kung tanga ‘yan, huwang ninyong i-tolerate. Turuan natin ng tama. Kasi ‘pag lumaki ang mga ‘yan, madadamay ang buong Pilipinas sa mga katangahan nila.
“Damay-damay kasi tayong lahat dito kapag nagkataon. Haaaay… sumasakit na naman ang ulo ko,” sey ni Rendon.
Matatandaang ibinahagi ni Michelle sa isang video na uploaded sa kanyang Instagram ang kuwento sa likod ng kanyang national costume.
Sinisimbolo ng kanyang airplane-themed attire ang pagpo-promote ng turismo ng Pilipinas, ang solihiya pattern naman ay sumisimbolo sa mayamang kultura ng bansa, at ang captain hat naman ay nagsisilbing tribute niya bilang isang Air Force reservist.
Related Chika: