SA kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon na ng babaeng superhero sa Spider-Man Universe!
Kilalanin ang bagong superhero na si “Madame Web” na pagbibidahan ng “Fifty Shades” star na si Dakota Johnson.
Wala pang petsa kung kailan ipapalabas ang bagong pelikula, pero ‘yan ay base sa Marvel Comics na mula sa direksyon ni SJ Clarkson.
Kalalabas lang ng trailer ng “Madame Web” at ipinakita na agad kung ano ang superpowers na meron ang heroine.
Tila may pagka super strength din ito at nagagawa niyang makita nag future.
Baka Bet Mo: Prequel film na ‘Wonka’ unang ipapalabas sa Pilipinas, sey ng direktor: ‘It is the perfect Christmas movie!’
Mapapanood din na tila may pagka-girl power ang peg ng action movie dahil hindi nag-iisa si Madame Web.
May mabubuong isang grupo ng kababaihan na handa siyang tulungan sa kanyang laban at sila ay tila mga superheroes din.
Sila ay gagampanan ng Hollywood stars na sina Sydney Sweeney, Emma Roberts at Adam Scott.
Ayon sa synopsis na inilabas ng Columbia Pictures, “The suspense-driven thriller stars Dakota Johnson as Cassandra Webb, a paramedic in Manhattan who may have clairvoyant abilities.”
“Forced to confront revelations about her past, she forges a relationship with three young women destined for powerful futures…if they can all survive a deadly present,” ani pa.
Related Chika:
Miles Morales ng animated film na ‘Spider-man’ may bagong kapalaran na tatahakin