Pasabog ni Claudine…karelasyon ni Raymart ‘bad influence’ raw; ayaw ibigay sa kanya ang pinaghirapang bahay

Pasabog ni Claudine...karelasyon ni Raymart 'bad influence' raw; ayaw ibigay sa kanya ang pinaghirapang bahay

Claudine Barretto

ELEVEN years nang walang lovelife si Claudine Barretto mula nang maghiwalay sila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Ayon sa award-winning actress, totoong matinding trauma ang naranasan niya sa kanyang last relationship pero hindi naman niya tuluyang isinasara ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.

“Hindi naman sarado ang puso ko to love again, pero hindi ‘yon ang priority” pahayag ni Claudine nang makachikahan namin siya at ng ilang members ng entertainment media sa grand presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Lovers/Liars.”

Sey ng nagbabalik-Kapusong aktres, kung magkakadyowa siyang uli,  kailangan mas mahal daw ng guy ang mga anak niya kesa sa kanya.


“At the end of the day, sila pa rin ang number 1 at kung ma-in love man ako, siya lang ang number 2,” pahayag ng celebrity mom.

Nabanggit din niya na hanggang ngayon ay hindi pa annulled ang kasal nila ni Raymart, “Ongoing ang annulment namin. Pero, delay nang delay ang deadline ni Raymart for support.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko

“So, he’s trying to get custody, 16 years old na si Santino and 19 years na si Sabina. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kunin ang custody,” aniya.

Wala rin silang komunikasyon ni Raymart at sa korte lang daw sila nagkikita, “Sa mediation lang kami nagkita, pero hindi naman kami nakakapag-usap na nagkikita.”

Sa tanong kung wala na bang chance na maging friends uli sila ni Raymart, “Dati, oo, pero siguro, sa bagong relationship niya, hindi possible. Kasi, hindi maganda ang influence sa kanya, compared sa dati.”

Walang binanggit si Claudine kung sino ang tinutukoy niyang bad influence kay Raymart kaya naman kinulit siya kung sino ang tinutukoy niyang bagong karelasyon ni Raymart — si Jodi Sta. Maria ba ang tinutukoy niya?

“Wala akong sinasabi,” ang sagot ni Claudine. Aniya, ayaw na niyang magdetalye about this para hindi na manega ang bago niyang teleserye na “Lovers/Liars” na bagong collaboration ng GMA 7 at Regal Entertainment.


“Actually po, as much as ano, yun lang talaga ang masi-share ko ngayon kasi nasa process kami ng…nasa court kami, for custody na naman, kahit malaki na yung mga anak ko, 19 and 16. Parang ganu’n.

“Ayaw ibigay yung bahay sa akin na pinaghirapan ko pa mula sa ‘Mula sa Puso’ (dating teleserye sa ABS-CBN), yung mga ganu’ng issues.

Baka Bet Mo: Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

“Parang ayokong mabahiran ng malas yung ‘Lovers/Liars’, lalo na siyempre ano, Regal Films, di ba? Chinese, di ba? Ayokong mabahiran ng malas yung Lovers/Liars.

“So I’d rather na huwag na lang pag-usapan. Lalabas at lalabas din yun soon. Very soon. Gaya ng sinabi ko, may mangyayari at mangyayari talaga. I think sa part na yun, magbibigay naman po talaga ako ng sarili kong presscon for that.

“Hindi rin naman matagal. Malalaman niyo rin,” ang sabi pa ni Claudine.

Samantala, mapapanood na simula sa Lunes, November 20 ang “Lovers/Liars” sa GMA Tebabad, mula sa direksyon ni Cris Aquino.

Makakasama ni Claudine dito sina Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, at Lianne Valentin.

Read more...