Richard Gutierrez may bagong post ukol sa ‘moving forward’, deadma sa isyung hiwalayan nila ni Sarah Lahbati

Richard Gutierrez may bagong post ukol sa pag-moving forward', deadma sa isyung hiwalayan nila ni Sarah Lahbati

Richard Gutierrez

USAP-USAPAN ngayon ang naging cryptic post ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez ukol sa pagmo-“move forward”.

Nitong Martes, November 14, ibinahagi ng Kapamilya actor ang kanyang mga larawan habang ipini-flex nito ang magandang pangangatawan.

“Get up, change of perspective, move forward…and let the Most High take the wheel. Your attitude determines your altitude,” saad ni Richard sa naturang post.

Kaya naman maraming netizens ang na-curious kung may kinalaman ba ito sa kasalukuyang isyung kinakaharap nila ng asawa at dating aktres na si Sarah Lahbati.

Matatandaang kamakailan lang nang pumutok ang chika na tila hiwalay na sila Richard at Sarah matapos mapansin ng madlang pipol ang hindi na nag-a-upload ng mag-asawa ng mga pictures nila together.

Noon kasi ay madalas magbahagi ang dalawa ng mga larawan ng kanilang pamilya lalo na kapag nagbabakasyon sila kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

 

Pero lately ay mapapansin na tila wala si Richard sa mga post ni Sarah kasama ang mga anak. Wala rin si Sarah sa post ng Kapamilya actor kung saan makikitang nagba-bonding ang mag-aama sa pool.

Ang huling upload nila ng picture together ay kuha pa sa ginanap na kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez noong August sa Bali, Indonesia.

Ngunit sa kabila ng mga bukung-bulungan ukol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa ay nananatili pa ring suot suot ni Richard ang kanilang wedding ring.

Samantala, kasama naman ni Sarah ang mga anak at kasalukuyang nagbabakasyon sa Siargao.

Sa ngayon ay nananatili pa ring tahimik sina Richard at Sarah hinggil sa isyung kinakaharap.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang kanilang mga supporters at hiling na sana ay maging maayos pa rin ang pagsasama ng mag-asawa sa kabila ng kinakaharap na isyu.

Related Chika:

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

Richard Gutierrez inspirasyon si Coco Martin para lalong galingan sa trabaho: Wala siyang kapaguran…

Read more...