Proud na ibinandera ng celebrity couple ang sarili nilang rest house na produkto raw ng kanilang hirap at pagsasakripisyo nitong mga nagdaang taon.
Nagpa-beach house tour sina Yeng at Yan sa YouTube vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila kung saan isa-isa nga nilang ipinakita ang bawat kwarto at lugar sa kanilang property.
Ayon sa Kapamilya singer-actress, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng bahay-bakasyunan na malapit sa beach na sa wakas ay nabigyang-katuparan na nga.
“Bagong kasal pa lang po kami naglilista na ako ng mga things na pinapangarap ko.
“Talagang nasa top of my list talaga na magkaroon ng beach house kasi feeling ko po dati parang ‘yung igagastos ng family namin kunwari pag papasok ka sa resort ganyan, pero kung may sarili kang property, madadala ko ‘yung family ko, ang laki ng family ko eh,” pagbabahagi ni Yeng.
Ipinatayo daw ng mag-asawa ang nasabing property hindi lang para sa kanilang respective families pero para na rin sa magiging mga anak nila in the future.
“Tapos kapag nagkaanak kami di na namin iisipin na parang, ay kailangan nating pumunta ng iba’t ibang lugar para ma-experience ‘yung rest. May sarili kang bakasyunan. Kaya dream ko po talaga siya,” sey pa ni Yeng.
Kuwento naman ni Yan about their beach house, “Actually nakakatawa ‘yung first time namin dito. Nakita namin ‘yung lot tapos nagtayo lang kami ng tent.
“Sige i-feel nga natin ‘yung lugar, wala pang bakod, wala pang anything,” sabi ng singer-songwriter.
Dugtong na chika ni Yeng, “Simple lang naman talaga yung gusto namin, kahit nga kwadrado eh, basta may matuluyan kaming bahay.” Pero habang ipinagagawa nila ang beach house at palaki ito nang palaki.
“‘Yung unang naisip namin, sobrang simple lang pero habang ginagawa parang palaki siya nang palaki. So it was fun na nakikita namin ‘yung dreams namin na ito na lumalabas na paganda siya nang paganda,” sabi ni Yan.
Pag-amin naman ni Yeng, “May pagka-kurips po kami, kuripot, necessary po kasi siya eh, lalo na kami mang-aawit. Hindi naman po lahat pinapalad na maging Ms. Regine (Velasquez) o tito Gary (Valenciano) or tito Martin (Nievera).
“Hindi ko alam kung hanggang kailan, laging ganu’n ang mindset ko na (sinasabi ko kay Yan), ‘Love, hindi ko alam kung hanggang kailan ‘to so lahat ng kikitain natin sa iba nating negosyo at sa trabaho ko, gagawin natin invest lang tayo ng invest,'” aniya pa.
“Hanggang ngayon po naga-acqauire kami ng properties. Hindi naman na lagi kang anxious noh pero you have to treasure kung ano ‘yung presently nagyi-yield ng income for you so that in the future you will not be worried,” kuwento pa ni Yeng kay Karen Davila.