Vince Rillon nagawa na lahat ng sex position sa pelikula, pero hindi pa nata-try sa tunay na buhay; laging naka-plaster sa love scene dahil…
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Angela Morena, Vince Rillon at Denise Esteban
HINDI pa nagagawa ng award-winning actor na si Vince Rillon sa totoong buhay ang mga sex scene na pinaggagagawa niya sa mga pelikula ng Vivamax.
Kuwento ng isa sa mga tinaguriang Vivamax King, halos lahat na yata ng posisyon sa sex ay nagawa na niya sa harap ng mga camera, kasama ang ilan sa mga palaban at pambatong sexy stars ng Viva amArtists Agency.
Limang pelikula na ang nagawa niya sa Vivamax kabilang na ang mga erotic-drama na “Hosto”, “Boso Dos”, “Bangsa Moro”, “Sila ay Akin” at ang latest project niyang “Japino”.
Tatlong digital series naman ang nagawa niya nitong mga nagdaang taon, ang “Erotica Manila”,“Ssshhh” at ang upcoming revenge serye na “Araro” mula sa direksyon ni Topel Lee.
Sa nakaraang presscon ng “Japino”, natanong si Vince kung ano ang masasabi niya na siya raw ang tagabinyag sa mga baguhang sexy stars ng Vivamax, tulad na lang sa “Araro.”
“Bale wala pa nga po yang ‘Araro’ ko kasi doon sa series na ‘L’ last year, pito silang naka-bed scene ko. At saka hindi naman na po sila virgin, so hindi ako nagbibinyag sa kanila.
“E, sa akin naman, work lang lahat ‘yan. And I make sure before we do a love scene, kinakausap ko muna sila to find out kung ano limitations nila para maging comfortable kami with each other while doing the love scene,” aniya.
Hindi ba siya naaapektuhan o nate-turn on kapag gumagawa siya ng love scenes? “Naku, hindi na po. Kasi iniisip ko, hindi naman ako yun, but the character that I am portraying. Also, heavily plastered po ako.
“Ako mismo ang naglalagay ng plaster sa sarili ko to make sure hindi siya tatayo during bedscenes. Pareho kami ng mga nakakapareha ko, hindi nate-turn on at pinagtatawanan na lang namin ang ginagawa namin,” chika ng aktor.
Speaking of plaster, hindi na ba siya nasasaktan kapag tinatanggal na niya ito after the shoot, “Nagse-shave po ako bago ako magdikit ng plaster. Kasi kung hindi, masakit talaga kapag hinila mo na yung plaster.
“Actually, sobrang nakakapagod po gumawa ng bedscene. Lalo na kapag nagde-demand ang director na iba’t ibang positions ang gawin namin. E, ako, yung mga pinagawa sa akin on cam, sa totoo lang, ni hindi ko pa nasusubukang gawin sa totoong buhay, e,” natatawang sey pa ni Vince.
Biniro naman siya ng press na sa dami ng trabaho niya sa Viva ay mayamang-mayaman na siya ngayon, “Naku, hindi po, tumutulong ako sa family ko, sa mama ko, sa mga kapatid ko, sa mga pamangkin kong nag-aaral.
“Pero nagpapasalamat po talaga ako sa Viva kasi hindi nila ako pinababayaan at lagi akong may trabaho sa kanila,” sabi ni Vince.
Samantala, maraming Pinoy ang nais makarating sa Japan, hindi lang para mamasyal kundi para maghanap-buhay. Ang ibang may matinding pangangailangan ay gagawin ang lahat para manatili rito kahit walang legal na papeles.
Ngayong Nobyembre, inihahandog ng Vivamax ang “Japino” na maglalahad ng kwento ng dalawang Pinay na nakikipagsapalaran sa tinaguriang Land of the Rising Sun. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Freidric Macapagal Cortez, at Brillante Mendoza bilang Creative Producer.
Si Angela Morena ay gumaganap bilang si Ayu, isang dancer sa bar sa Japan. Agresibo ang tingin sa kanya ng mga tao, pero tinatago niya lang ang pagiging uhaw sa pagmamahal at atensyon.
Hinahanap niya ang kanyang amang Hapon, at umaasa na kilalanin siya nito para makakuha ng Japanese citizenship. Ang kanyang ina na si Lara (Lara Morena), isa ring dancer, ay bumalik na sa Pilipinas, kaya ang nobyo niyang si Yuki ang kasama niya sa paghahanap.
Si Denise Esteban ay si Aki, isa ring dancer sa bar. Malakas ang dating at gagawin ang lahat para yumaman at gumanda ang buhay. Wala sa plano niya ang mabuntis, kaya nang mangyari ito, inisip niya agad na ipalaglag ang bata kahit mahal na mahal siya ng kanyang nobyo na si Taka.
Ang mga lalaki sa buhay nila ay ginagampanan ni Ali Asistio bilang si Yuki at si Vince Rillon bilang si Taka.
Si Yuki ang silent type, malapit sa pamilya at simple lang ang gusto sa buhay, samantalang si Taka ay may pagka-immature at bara-bara sa mga desisyon. Parahe silang illegal na nagtatrabaho sa Japan.
Ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa buhay nina Ayu at Aki ay magkasabay o magkaugnay pero magkikita kaya ang dalawa? Subaybayan kung paano magiging magkarugtong ang kanilang makulay na buhay.