Paul Soriano nag-resign na bilang ‘Presidential Adviser on Creative Communications’

Paul Soriano nag-resign na bilang ‘Presidential Adviser on Creative Communications’ sa Malacañang

PHOTO: Instagram/@paulsoriano1017

BUMABA na sa pwesto bilang Presidential Adviser on Creative Communications ang film director na si Paul Soriano.

Inanunsyo ito mismo ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil noong November 9.

Ayon sa kalihim, nag-resign si Paul upang magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanyang pamilya.

“Presidential Adviser Paul Soriano took a well-deserved break to spend time with his family and newborn daughter,” sey ng PCO secretary.

Patuloy niya, He has since submitted his resignation to prioritize his personal commitments.”

“There is no replacement for the role of Presidential Adviser on Creative Communications for now,” dagdag pa niya.

Magugunita noong August 11 nang isinilang ng aktres na si Toni Gonzaga ang second baby nila ni Paul.

Baka Bet Mo: Paul Soriano piso lang ang sasahurin bilang presidential adviser ni Bongbong Marcos

Ibinandera pa nga mismo ng direktor ang magandang balita sa social media kalakip ang video ni Toni na nasa hospital bed habang buhat si Baby Paulina.

Caption pa niya, “Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support. God bless you.”

Noong June 4 nang kumpirmahin na ipinagbubuntis na nga ng singer-actress ang kanilang ikalawang anak.

Samantala, kamakailan lang ay napabalitang hindi na konektado sa Department of Tourism (DOT) si Paul.

Sa naganap na Senate plenary session noong November 9, napag-usapan sa gitna ng deliberasyon ang panukalang P5.768 trillion na pondo para sa 2024.

Dito nga ay natanong ni Senate Minority leader Aquilino “Koko” Pimentel Jr. kung nasaan ang direktor habang pinag-uusapan ang proposed budget ng Office of the President (OP).

“Wala na ba siya ngayon?” tanong ni Pimentel.

Sagot naman ng chairman ng Senate committee on finance na si Sen. Sonny Angara, “Wala na po.”

Nabanggit ang pangalan ni Paul nang mausisa ni Pimentel Jr. ang isang ad campaign na “We give the world our best” na makikita sa mga bus sa London.

Nais kasing malaman ng senador kung sino ang nag-pondo ng naturang ad campaign sa ibang bansa.

Depensa ni Angara, hindi nanggaling sa OP ang pondo ng naturang kampanya at sinabing baka may kinalaman ang DOT sa ad campaign.

Related Chika:

Read more...