BABALA ng Department of Health (DOH), dumadami na ang mga kumpirmadong kaso ng tinatawag na “influenza-like illnesses” sa bansa.
Sa katunayan nga ay tumaas na ng 45% ang mga nahawaan kumpara noong Oktubre ng nakaraang taon.
Base sa latest figures ng DOH, may kabuuan nang 171,067 ILI infections ang naiulat mula January 1 hanggang October 28 ngayong taon.
Mas mataas ‘yan sa 114,536 ILI cases na nai-record sa kaparehong period ng taong 2022.
Ayon sa ahensya, ang pagdami ng mga nagkakasakit ay posibleng dahil na rin sa panahon ng tag-ulan.
Baka Bet Mo: Gary Valenciano inamin kung gaano kahirap magkaroon ng sakit: Diabetes can be deceiving of all illnesses
Gayunpaman, umaasa pa rin ang health department na bababa ang mga kaso sa mga susunod na linggo.
“Cases started to increase during late August … and a higher number of cases was sustained over the next four weeks,” saad sa inilabas na pahayag ng DOH.
Anila, “However, we note that cases are currently plateauing.”
Dahil diyan, nanawagan ang ahensya sa publiko na magsagawa ng “self-assessment” sa mga kalusugan at gumawa ng hakbang upang maging protektado sa mga sakit lalo na’t papalapit na ang holiday season.
“Everyone should perform individual self-assessment and, as needed, employ layers of protection such as masking, ensuring adequate ventilation and isolating when sick,” paghihimok ng DOH.
Binigyang-diin din nito ang pangangailangang makakuha ng updated na mga bakuna laban sa iba’t ibang sakit upang masugpo ang malalang impeksyon.
Read more: