Boy Abunda sa muli nilang pagkikita ni Kris Aquino: ‘Pinipigilan ko pong hindi umiyak pero naiyak po ako, na-miss ko siya…’

Boy Abunda sa muli nilang pagkikita ni Kris Aquino: 'Pinipigilan ko pong hindi umiyak pero naiyak po ako, na-miss ko siya...'

Boy Abunda at Kris Aquino

HINDI nakontrol ng King of Talk na si Boy Abunda ang pagtulo ng kanyang luha nang muli silang magkita at magkausap ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Mixed emotions ang naramdaman ni Tito Boy nang personal niyang ma-witness ang patuloy na pakikipaglaban ng kanyang kaibigan sa mga karamdaman nito sa Los Angeles, California.

Kuwento ng award-winning TV host sa episode kahapon ng “Fast Talk with Boy Abunda”, binisita niya si Kris sa tahanan nito sa Orange County last October 25.

Pagbabahagi ni Tito Boy, “It was a happy, beautiful reunion. It was different seeing her. Tatanggapin ko po, ako ay naging emosyonal, sinabi rin naman ito ni Kris, I was emotional.

“Pinipigilan ko pong hindi umiyak pero naiyak po ako, na-miss ko si Kris,” ang pag-amin ni Tito Boy.

Baka Bet Mo: Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you

Biro naman daw ni Bimby habang nag-uusap at nagkukumustahan sila ni Kris, “I’m back to my 4-year-old self.” Ang tinutukoy ni Bimb ay ang pagsasama ng dalawang premyadong TV host noon sa programang “The Buzz” at “Aquino & Abunda Tonight.”

Mensahe pa ni Tito Boy sa kanyang kaibigan, “Kris, pagaling ka. Gagawa tayo ng palabas.


“I’m just so glad that Bimb is doing everything he can, I’m so proud of him taking good care of his mother. Ang assignment ni Josh is to pray,” sabi pa ng premyadong Kapuso TV host.

Ibinalita pa ni Tito Boy na nasa pangangalaga si Kris ng “best nurses and doctos” at ipagpatuloy lang daw ang pagdarasal sa paggaling ng kanyang friendship.

Pero aniya, pabagu-bago pa rin ang health condition ng kanyang kaibigan kaya masasabing hindi pa rin talaga ganu’n ka-stable ang kalagayan nito ngayon.

Baka Bet Mo: Julia ayaw nang balikan ang araw nang magpaalam sa yumaong lolo; may inamin tungkol kay Claudine

Ibinahagi rin Tito Boy ang naging usapan nila ni Kris tungkol sa pananatili pa niya sa Amerika ng 15 hanggang 18 buwan para sa patuloy niyang pagpapagamot.

“Ang dahilan po noon ay dahil ‘yung meds na kailangan ni Kris ay available lamang doon. At saka ‘yung accessibility sa doctors ay kailangan po ‘yun,” esplika ng talk show host.

Ipinarating din ni Tito Boy sa publiko ang taos-pusong pasasalamat ni Kris sa lahat ng nagdarasal para sa kanyang kalusugan. Sabi raw ni Kris, “‘Boy pakisabi ‘Maraming, maraming, maraming salamat.'”

Bukod dito, may ibinahagi pa raw isang kahilingan si Kris, “‘Sana hindi lang ako ang ipagdasal…it’s also nice if people can pray for the people around me. My children, my sisters.’”

Sabi naman ni Tito Boy, “Doon ko na-realize na tama nga naman. When we pray for somebody who doesn’t feel well, let’s also pray for people who are taking good care of the people who are not feeling well.”

“Umaasa ako na sana ay gumaling, ‘yun ang aking dasal. I just miss her,” mensahe pa ng Kapuso TV host.

Read more...