Sunshine Dizon sumobra ang kapayatan ng mukha, anyare?

Sunshine Dizon sumobra ang kapayatan ng mukha, anyare?

Sunshine Dizon

MAY mga nagtanong sa amin dati pa kung napapanood namin ang tepeseryeng “Pira-Pirasong Paraiso” ng ABS-CBN.

Ito’y pinagbibidahan nina Charlie Dizon, Elisse Joson, Loisa Andalio, Alexa Ilacad, Joseph Marco at marami pang veteran actress kabilang na si Sunshine Dizon.

Kapansin-pansin daw kasi ngayon ang kakaibang itsura ni Sunshine na sobrang payat at hapis ang mukha na sinabi naming hindi namin napapanood.

Hanggang sa nag-guest pala ang aktres sa “It’s Showtime” para sa segment na “Magpasikat 2023” kasama sina Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle bilang mga orihinal na Sang’gres sa “Encantadia” (2005) at pinadala sa amin ang screenshot ng apat.

Baka Bet Mo: Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami

Oo nga, kapansin-pansin ang kapayatan ng pisngi ni Shine na dati’y bilugan pero bagay naman sa kanyang mukha.

O,  baka naman kasi puyat ang aktres dahil galing pa nga sa taping ng “Pira-Pirasong Paraiso” kaya medyo nangingitim pa ang paligid ng mata?

May mga nabasa kaming komento ng netizens kung anong nangyari kay Sunshine dahil sumobra naman daw ang pagpapapayat nito kung sakaling nagpapayat nga siya para lumiit ang mukha niya sa TV.

Ilan sa mga nabasa naming komento mula sa netizen ay, “Looks haggard”, “she’s diagnose with depression”, “pumayat nang husto”, “paos na paos so galing sa taping at pagod o galing sa sakit”, at marami pang iba na hindi na lang namin isusulat.

May mga nag-alala naman para sa aktres na nagsabing sobra na ang kanyang kapayatan at baka magkasakit na siya sa ginagawa niyang pagbabawas ng timbang.

Anyway, aware kaya si Sunshine na hindi na maganda ang itsura niya ngayon sa TV o baka sinadya niyang magpapayat para sa karakter na ginagampanan niya ngayon sa kanilang serye.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Sunshine tungkol sa malaking pagbabago sa itsura niya o sinuman sa kampo ng aktres.

Read more...