Ruru sa pinagdaanang pagsubok: ‘Ang sakit! Natutulog akong umiiyak dumating sa point na feeling ko wala nang mangyayari sa akin’

Ruru sa pinagdaanang pagsubok: 'Ang sakit! Natutulog akong umiiyak dumating sa point na feeling ko wala nang mangyayari sa akin'

Ruru Madrid

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid na mas madaldal siya kesa sa girlfriend  niyang si Bianca Umali.

Sa pakikipagchikahan ni Ruru sa ilang members ng entertainment media sa nakaraang presscon ng “Black Rider” last October 27, nagkuwento siya tungkol sa ilang bagay na nadiskubre niya kay Bianca.

Sa five years na relasyon ng Kapuso couple ay marami na raw silang pinagdaanan na mas nagpatatag sa kanilang pagsasama.

“Before kasi, when we were starting, Bianca kasi was an introvert. Sometimes, kapag may mga problema siya, kinikimkim niya. Hindi niya sinasabi sa akin. Ang tendency, lumalaki na pala ang problema.

“So I guess, natutunan naming dalawa kung paano pag-usapan ang mga bagay. Like for example, nagkaroon kami ng problema, bago matapos ang gabi, kailangan naming pag-usapan yan para at least, okay,” pahayag ni Ruru.

Rebelasyon pa ng Kapuso actor, “Ako ang mas madaldal sa relationship. So, parang ako yung mas nag-o-open up. I can see yung effort din ni Bianca pagdating sa mga ganoon.


“Nag-o-open up na rin siya. Siya ang magsisimula ng usapan pagdating sa mga nagiging problema naming dalawa. So yun, parehas. Parehas kaming nag-mature pagdating sa mga bagay na dapat kaming mag-mature.

Baka Bet Mo: Amy Perez nasaktan nang magdesisyon ang anak na magsolo na sa buhay: ‘Kasi for the longest time, kami yung magkasama’

“I mean, before, wala akong preno. Talagang walang stop. Siya yung nagpapakalma sa akin. Tapos si Bianca naman, sobrang tahimik. Ako naman ang nagpapadaldal sa kanya.

“Mas naging palangiti siya, mas bumabati siya sa mga tao. So mas nagtutulungan kaming dalawa.

“Kahit na hindi kami magkatrabaho, I know na may naitutulong at naidudulot kaming maganda sa bawat isa,” pagbabahagi pa ni Ruru.

May nagtanong naman sa binata kung hindi na siya na-a-attract ngayon sa ibang babae, “Hindi, e. Ha-hahaha! Pero ngayon, hindi lang po yon ang ibinigay Niya sa akin. Yung ibang mga pinapangarap ko sa buhay, ibinigay Niya rin sa akin kaya sobrang bait po Niya.

“Hindi ko po alam, baka ito po yung magiging katungkulan ko sa mundong ito, pero gagamitin ko po yon sa kabutihan. Gagamitin ko po lahat ng meron ako upang makapagbigay ng saya, ng inspirasyon sa mga tao,” chika pa niya.


Samantala, inalala rin ni Ruru yung mga pagkakataong feeling hopeless na siya sa kanyang career lalo na kapag nakakarinig siya ng mga kanegahan mula sa mga taong inakala niyang mga kakampi niya.

“Even yung mga tao na malapit sa akin, parang nararamdaman ko na unti-unting nawawala, pero na-realize ko na baka may itinuturo sa akin ang Diyos.

Baka Bet Mo: Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

“Ang sakit. Natutulog ako na umiiyak. Dumating sa point na naniwala na ako na wala nang mangyayari sa akin. Na hindi ko na makakamtan ang mga pangarap ko.

“But then, isang araw na-realize ko, ‘Bakit ko isusuko yung 10 taon na pinaghirapan ko? Yung mga panahon na walang naniniwala sa akin?’

“Pero ako lang ang naniniwala sa sarili ko. Bakit ko isusuko? So, inilaban ko at biglang dumating po yung Lolong,” ang sabi pa ni Ruru na ang tinutukoy ay ang kanilang 2022 primetime series sa GMA.

Tungkol naman sa girlfriend niyang si Bianca, pag-amin niya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, “Masasabi ko na nahanap ko yung tao na katapat ko. Totoo nga talaga. Noong bata ako, iniisip ko gusto ko pong magkaanak, pero parang hindi ko kayang mag-settle with a girl na siya lang habambuhay.

“Pero nu’ng dumating siya sa buhay ko, for some reason, parang nakaramdam po ako ng spark at sinabi ko na ito na yung gusto kong makasama habambuhay. Sobrang proud ako na ipagmalaki na yun ang nararamdaman ko para sa kanya.”

Read more...