Anne Curtis at Kaila Estrada
NAGING paboritong “pulutan” na ngayon sa mga umpukan at inuman ng mga mahihilig sa showbiz ang anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Kaila Estrada.
E, kasi nga, ang galing-galing ni Kaila sa dalawang Kapamilya series na kinabibilangan niya – ang kontrobersyal ngayong “Linlang” at ang pinag-uusapang “Can’t Buy Me Love.”
Bukambibig ngayon ng mga manonood at netizens ang pagganap niya bilang Sylvia ABS-CBN at Prime Video series na “Linlang,” ang asawa ni Alex portrayed by JM de Guzman.
Talagang super clap ang viewers sa mga nakakalokang confrontation scene nila ni Kim Chiu na gumaganap naman bilang si Juliana, ang kalaguyo ni Alex sa kuwento ng serye.
Nag-viral din recently ang eksena nila ni JM kung saan nalaman na nga niya ang tungkol sa pagtataksil nito kasabay ng kanyang pagbabanta na hinding-hindi siya papayag na mapunta kay Juliana ang kanyang asawa.
Baka Bet Mo: Kaila Estrada to the rescue sa pamba-bash kay Anji Salvacion: ‘Be more responsible in what we say online…’
“I am super grateful they let me do this on my own. They let me figure out my way into show business. I feel that this has made me cherish it more because I know how much work I’ve put in,” ang pahayag ni Kaila sa panayam ng ABS-CBN.
“They give advice when I ask, but only when I ask. Other than that, they give me the freedom to figure things out,” ang pahayag pa ng dalaga sa tanong kung humihingi siya ng advice sa kanyang mga magulang na parehong premyadong artista.
Sabi pa ni Kaila, marami siyang natututunan sa mga dating sablay na nagagawa niya bilang artista, “I’m grateful for it. It taught me a lot, and those are the times when you truly learn. That’s when I learn the most.”
Baka Bet Mo: Maxene Magalona feel na feel ang pagiging nanay sa ‘Viral Scandal’: No parent is perfect, no child is perfect…
At sa mga natatanggap niyang mga papuri at magagandang reviews sa pagganap niya bilang Sylvia sa “Linlang”, “I feel validated. This project was quite intimidating. It is for professionals, the senior actors are so good.
“At the very least, I wanted to be on the same level as them. It required a lot of mental preparation to get myself ready,” sabi pa ng aktres.
Aminado rin siya na hindi nawawala ang kaba sa tuwing haharap na siya sa mga camera, “All the time. I am always nervous. Si Mama always makes fun of me. As in, always.
“Of course, not all scenes are the same. Some are more physically or emotionally demanding.
“Getting nervous is a good thing because it means you care about it. Welcome the nerves, work with them. At least, you know within yourself that you really want and love your job,” pagbabahagi ni Kaila.
Samantala, sa nasabi pa ring panayam, natanong ang anak ni Janice kung anu-ano pa ang mga dream role niya at kung sinu-sino ang gusto pa niyang makatrabaho in the future.
“I want to try action at least once, but I really want to give it a shot. I love watching it. I know it’s tough, physically demanding.
“I want to do a suspense thriller, a psycho character. Something different. I’m very interested in exploring that. I’m very inspired by Anne Curtis’ movie, ‘Buy-Bust,’ I really want to do action,” sabi ni Kaila.
Ilan sa mga nais niyang makatrabaho sa next projects niya ay sina Jericho Rosales, Jodi Sta. Maria, Arjo Atayde, Christian Bables, Janine Gutierrez, at Jennica Garcia.