Balitang naaksidente si Michelle Dee sa El Salvador fake news: ‘Don’t believe it! We’re all good!’

Balitang naaksidente si Michelle Dee sa El Salvador para sa Miss Universe 2023 fake news: 'Don’t believe it! We’re all good!'

Michelle Dee

NAG-WORRY ang fans at supporters ng Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee nang biglang kumalat ang balitang naaksidente raw siya.

May lumabas kasing mga balita sa social media na nagsasabing naaksidente raw ang bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 habang nasa El Salvador.

Doon gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2023 pageant sa darating na November 18. Isa-isa nang nagdaratingan doon ang ilang kandidata para sa mga gaganaping preliminary competition.

Nang makarating kay Michelle ang nasabing fake news, agad niya itong nilinaw sa pamamagitan ng kanyang social media accounts at sinabing maayos na maayos ang kalagayan niya sa El Salvador.

Sabi ni Michelle sa kanyang X (dating Twitter) post, “Idk (I don’t know) where the rumor came from that I got into an accident but don’t believe it! We’re all good! (White heart at Philippine flag emojis).”

Baka Bet Mo: Balitang naaksidente si Sharon sa US fake news: Hindi po totoo, so please relax

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang paghahanda ni Michelle para sa magaganap na preliminary competition ng Miss Universe pageant this year at siyempre, para sa pinakaaabangang grand coronation night.

Marami ang nagsasabi na malakas ang feeling nila na maiuuwi ni Michelle ang titulo at korona dahil sa nakikita nilang confidence ng dalaga, idagdag pa ang napaka-positive niyang aura na nakikita ng mga netizens.

Magandang senyales raw para kay Michelle ang balitang nanguna siya sa “Voice of Change” segment na isang online poll ng pageant.

Dahil dito, todo ang pasasalamat ng Miss Universe Philippines organization sa suportang natatanggap ni Michelle sa naturang botohan.

Baka Bet Mo: Candy ‘naaksidente’ sa EDSA, sumabog ang gulong ng kotse: Hindi naman masyadong wasak ‘di ba, wasak na wasak!

“Salamat, Pilipinas! Thank you to all the supporters, pageant fans, bloggers, FB groups, queens, talents, influencers, and general public who have been continuously helping.

“Through Bayanihan, we have achieved the top spot for Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee in the Voice for Change category,” ang nakasaad sa post ng organisasyon sa Instagram.

Nanawagan din ang Miss Universe Philippines organization sa mga Filipino na bumoto para kay Michelle sa pamamagitan ng website ng CI Talks.

Sa “Voice for Change” category, binigyan ng pagkakataon ang mga kandidata, sa pamamagitan ng isang 3-minute video, na ibandera ang kanilang mga adbokasiya at hikayatin ang buong universe na makiisa sa kanilang mga ipinaglalaban.

Nauna rito, nag-explain din ang Kapuso actress kung bakit nagpaputol siya ng hair ilang araw bago ang grand coronation night ng pageant.

May gusto raw kasing iparating na “strong message” ang bet ng Pilipinas sa naturang international beauty contest para sa buong universe na may kaugnayan sa kanyang mga ipinaglalaban.

Sa isang video, sinabi ni Michelle na ang pagpapaikli niya ng buhok bago lumipad patungong Amerika para sa pagpapatuloy ng kanyang training ay upang ibandera ang kanyang paniniwala na “everyone can shine in their own individuality.”

“I really believe it highlights my personality. You know being in the pageant stage with short hair symbolizes breaking the barrier.

“And it symbolizes what I truly stand for also which is to empower everyone that you don’t have to fit in just to become Miss Universe,” ang pahayag ni Michelle sa nasabing video interview.

Mariin pa niyang sabi, “You can shine with your own uniqueness and individuality.”

Read more...