Vina Morales nakilala ang dine-date na si Andrew Kovalcin 23 years ago sa Hawaii; mala-Richard Gere at Julia Roberts sa ‘Pretty Woman’ ang peg

Vina Morales nakilala ang dine-date na si Andrew Kovalcin 23 years ago sa Hawaii; mala-Richard Gere at Julia Roberts sa 'Pretty Woman' ang peg

Vina Morales at Andrew Kovalcin

INAMIN ni Vina Morales na nasa “dating stage” sila ni Andrew Kovalcin, ang guy na kasama niya sa mga larawang ipinost niya sa kanyang Instagram dalawang araw na ang nakararaan.

Mala-Richard Gere at Julia Roberts sa pelikulang “Pretty Woman” ang peg ng litrato nina Vina at Andrew na nakaupo rin sa mga dahon sa park ng Washington DC at naglalakad-lakad habang tinutugtog ang jazz guitar instrumental na “Autumn Leaves” ni Johnny “Guitar” Watson.

Ang caption ng singer-actress, “Autumn leaves and beautiful sunset at Washington D.C. #washingtondc #vmtravels #nationalmall #stregisdc #stregis.”

Ang sumunod na larawang ipinost ni Vina ay nasa fine dining restaurant naman sila ni Andrew na may nakasulat na, “Dinner for two.”

Komento ng kaibigan ni Vina na kilalang kolumnista ng Philippine Daily Inquirer na si Dolly Ann Carvajal, “Sis our running joke na ‘ganda natin walang nakikinabang’ di na applicable sa ‘yo, super happy for u Sis. I told you Diba, pag Broadway mo siguradong ang Ganda mo madaming naka-abang excited to hear ur kwento Sis.”

Baka Bet Mo: Celeste Cortesi agaw-eksena sa gold OOTD sa Miss Universe gala dinner: ‘Angelina Jolie ang peg! Bongga!’

At sinagot naman agad ito ni Vina ng, “@dollywood922 hahahahah gandang walang pakinabang you’re next sis haha.”


Inakala ng iba na nakilala ni Vina si Andrew nang mag-show siya sa Broadway nitong Setyembre pero ang totoo ay dalaga pa siya nang magkakilala sila nito.

Nagpadala kami ng message sa kanya through viber nitong Sabado ng gabi, “Hi Vins, just asking re the cute pictures of yours with the good looking gentleman.  Is he the ONE? Marites lang po ang peg (smiley emoji). Nakilala mo ba ito sa show mo sa NYC? Thank you.”

Sagot kaagad ni Vina, “Ha, ha, ha, ha. Marites lang Reg? I’m in Denver Colorado for a show after my ‘Here Lies Love’ Broadway.”

Ang titulo ng show niya ay “Vina in Denver” na gaganapin ngayong araw, November 5 (Denver time 6 p.m. – 9 p.m.).

Baka Bet Mo: Vina Morales may ka-date na foreigner sa Boracay, natagpuan na nga ba ang kanyang ‘the one’?

Sa pagpapatuloy ni Vina, “I met him 23 years ago pa in Hawaii then we reunited last year when he visited me in Miami for my tour last year after so many years and he went to the Philippines.”

Ito ‘yung magkasamang nagbakasyon sina Vina at Andrew sa Boracay Island noong Nobyembre, 2022 na ipinost din niya sa kanyang IG account.

Nagpunta ng New York City si Andrew para manood ng broadway musical niyang “Here Lies Love”. “And I went with him to Washington DC ‘coz he is based there,” sabi pa ni Vina.

Tinanong namin kung friends or lovers sila, “Dating him,” kaswal nitong sagot.

At sinabi namin na i-enjoy niya ang bawa’t segundo na magkasama sila at masaya kami para sa kanya at hoping na sila na nga hanggang sa huli.

Nag-heart naman si Vina sa mensahe namin.

Walang binanggit kung kailan ang balik ng Pilipinas ng singer-actress at kung makakasama niya si Andrew para rito na mag-spend ng Holiday season.

Read more...