Tambalang Jameson-Janella konek na konek; may kakaibang magic | Bandera

Tambalang Jameson-Janella konek na konek; may kakaibang magic

Ervin Santiago |May 21,2018
facebook
share this

Tambalang Jameson-Janella konek na konek; may kakaibang magic

Ervin Santiago - May 21, 2018 - 12:01 AM

JANELLA SALVADOR AT JAMESON BLAKE

MARAMING tambalan sa mga Hollywood movies ang sumikat at pumatok sa madlang pipol kahit na wala silang relasyon sa tunay na buhay.

Sino ang makakalimot sa loveteam nina Meg Ryan at Tom Hanks sa nakakaiyak at nakakakilig na “Sleepless in Seattle” (1993); kina Julia Roberts at Hugh Grant sa “Notting Hill” (1999); Julia at Richard Gere sa “Pretty Woman” (1990) at sa romcom na “Runaway Bride” (1999).

Wala silang romantic involvement pero hindi matatawaran ang lakas at tindi ng kanilang chemistry sa big screen kaya naman puro certified box-office hits ang kanilang mga
pelikula.

Ito ang “magic” na gustong ibandera ngayon ng Regal Films sa latest offering nilang “So Connected” kung saan magtatambal for the first time sina Jameson Blake at Janella Salvador. Patutunayan din ng tambalang JameNella o JaneSon na hindi kailangang maging magdyowa ang dalawang artista para magkaroon ng connection.

Ayon sa director ng pelikula na si Jason Paul Laxamana, audience will surely be charmed on the flow of the story mula sa mga eksena kung paano magiging connected ang video editor na si Karter Calma (Jameson) at ang raketerang si Trisha Biscocho (Janella), hanggang sa mga nakakakilig at nakaka-in love nilang mga hugot.

“This is a romantic story of real people and very relatable. Audience will get hooked without getting distracted because the main leads are not superficial in portraying their roles. There is real magic between Janella and Jameson onscreen that will ride you to their journey of falling in love,” chika pa ni Direk Jason.

Sabi naman ni Janella sa kanyang role, “Marami siyang pagdadaanan talaga. Yung movie sobrang ganda talaga. Makikita n’yo yung power talaga ngayon ng internet, na maraming possibilities and lahat ng nagkaroon na ng connection sa buhay makaka-relate talaga.”

Samantala, naniniwala rin si Jameson na makaka-relate ang mga kabataan sa pelikula at sana’y ma-feel din daw ng mga tao ang chemistry nila ni Janella. “I met her sa set. Nakita ko na may chemistry, yung feeling na di kailangan mag-exert ng effort, kusang lumalabas, that’s what I noticed,” sey ng binata.

Kung matatandaan, noon pa very vocal si Jameson sa pagsasabing crush niya ang dalaga kaya nang tanungin kung kumusta ang unang pagkikita nila, “More than I expected. She was really approachable and nice to talk to. Nagkwentuhan kami. I got along with her.”

Sey naman ng dalaga tungkol sa kanyang bagong leading man, “He’s very nice, actually. I have no problem working with him at all because sobrang light lang ng aura niya. Sobrang good vibes lang and masaya siya ka-work.”

Sa kabila ng mga kanegahang ibinabato sa kanila ng mga basher, very positive pa rin ang bagong loveteam na magiging matagumpay ang kanilang pelikula. Hiniling din nila na sana’y

“It’s always nice to try something new and I think it’s good growth din as an actress. Whatever personal it doesn’t necessarily have to be the same for work,” sey ni Janella.

Nagpasalamat naman si Jameson sa mga fans nila ni Janella na nangakong 100% ang suportang ibibigay sa kanila, “They believe that we could actually pull off the movie that they like. It’s a great experience.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So Connected” also stars Paulo Angeles, Krystal Brimner, Cherise Castro, Ruby Rodriguez, Rolando Inocencio and directed by Jason Paul Laxamana. Showing na ito sa mga sinehan nationwide ngayong Miyerkules, May 23.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending