Ruru nape-pressure sa bakbakan ng ‘Black Rider’ at ‘Batang Quiapo’; Yassi nagpasintabi kay Coco
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Coco Martin at Ruru Madrid
KARAMIHAN sa mga kasamahan ni Ruru Madrid sa bago niyang action series sa GMA 7 na “Black Rider” ay nanggaling sa Kapamilya teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
Kabilang na nga riyan ang leading lady niyang si Yassi Pressman, sina Raymart Santiago, Joem Bascon, Janus del Prado at Empoy Marquez.
Noong umere ang hit action-drama series ni Ruru sa GMA na “Lolong” ay nakipagsabayan din talaga ito sa “Ang Probinsyano” ni Coco pagdating sa ratings game.
At ngayon naman, inaasahang muling maglalaban sina Ruru at Coco sa pagsisimula ng “Black Rider” sa GMA Telebabad na makakatapat nga ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Mismong si Ruru ang nagbalita sa amin sa presscon ng “Black Rider” last October 27, na sinabi raw ni Coco sa kanya na pinaghahandaan na ng Team Batang Quiapo ang kanilang pag-ere sa November 6.
Sey ni Ruru, “I wouldn’t say na ang Lolong po yung nagpatumba sa Probinsyano. I mean, siyempre, ang tagal nilang umere for seven years.
“Siguro, na-timing lang din na nu’ng time na yun na kami po yung umeere. But to be honest, yung competition, nandiyan lang po naman iyan.
“Hindi naman po mawawala iyan. Pero for me, kesa makipag-compete ako with other people, I’d rather compete with myself, so that every day, may lagi po akong napapakita.
“At kilala n’yo naman ako, ever since ganyan ako. Gusto ko lagi akong nag-i-improve,” lahad ng boyfriend ni Bianca Umali.
Dugtong ni Ruru, “Lagi ko napapatunayan na kaya ko yung mga bagay, so du’n ako mas naka-focus at napagaling.”
Pag-amin pa niya sa bagong proyekto sa GMA, “Siyempre po, may pressure. Of course, lahat naman po tayo gustong maging successful po yung mga projects po na ginagawa natin.
“But for me more than anything else, yung makapagbigay po ng magandang programa sa mga manonood, mas nakatutok po ako du’n.
“I mean as an actor, my goal is to entertain people. So du’n po ako mas naka-focus, rather than competing or ma-pressure sa mga bagay,” aniya pa.
Samantala, natanong naman si Yassi Pressman kung nagpaalam ba siya kay Coco bago niya ginawa ang “Black Rider.”
Tugon ng dalaga, “Nagpasabi po ako. Hindi pa po kami nagkikita po. Sinabi ko rin, siyempre, nagkakamustahan kami kapag may nakikita akong mga tao na kasama doon sa show.”
“I’m very very grateful na binigay niya po yung blessing na gawin ko po itong project na ito. Ngayon naman po, sinabi nga po kanina, wala na pong network wars, kaya very, very grateful po talaga na merong mga trabaho.
“At the end of the day, siyempre kailangan din nating magtrabaho para dun sa pamilya natin. And, most of all, siyempre, I think it’s a good way to challenge also to do even better.
“Siyempre, lagi ko pa rin pong pinapanood ang Batang Quiapo, at siyempre ang buong pamilya ko po dun, sina Coco, napakagagaling pa rin naman po talaga. Sobra! It’s a good challenge din po para sa akin,” paliwanag ni Yassi.
Ka-join din sa “Black Rider” sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Jon Lucas, Gladys Reyes, Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Raymond Bagatsing, Monsour del Rosario at marami pang iba.