Kim binigyan ng mamahaling regalo ng senior citizen na fan matapos sabihan ng, ‘Huwag kang mangabit! Magpakabait ka!’

Kim binigyan ng mamahaling regalo ng senior citizen na fan matapos sabihan ng, 'Huwag kang mangabit! Magpakabait ka!'

Kim Chiu

MAY isang senior citizen ang biglang lumapit kay Kim Chiu at walang kagatul-gatul siyang sinabihan na, “Huwag kang mangabit! Magpakabait ka!”

Isa lang yan sa mga natatanggap na comments ng Kapamilya actress dahil sa napaka-effective na pagganap niya bilang si Juliana sa ABS-CBN drama series na “Linlang.”

In fairness, sa 17 years ni Kim sa entertainment industry, ngayon lang siya nakatikim ng matinding galit mula sa mga manonood na halos gusto na siyang patayin at ibitin nang patiwarik.

Ayon sa Kapamilya actress at TV host, ang “Linlang” na ang pinaka-daring at pinakamatapang na proyektong nagawa niya na mula sa Dreamscape at napapanood sa Prime Video.


“Yung unang pagkikita sa press (mediacon ng Linlang), sabi nila, ‘Ano fear mo?’ Sabi ko yung fear ko hindi siya susuportahan ng mga tao.

Baka Bet Mo: Miss Q&A 2018 Juliana Parizcova mababayaran na ang P300k utang dahil sa pag-aambagan ng netizens

“Yun talaga yung kinakatakot ko kasi first time ko gumawa ng black role or gray role na hindi dark role na hindi ko naman usually ginagawa ever. And first time akong sumugal.

“Sabi ko sige i-try ko kasi ilang taon na rin naman ako kaya kung ano naman ang maging resulta, pero siyempre gusto ko ang maging resulta maging maganda,” pahayag ni Kim sa naganap na thanksgiving mediacon ng “Linlang” last October 31.

“And ayun nagdasal naman ako sa lahat ng mga santo. Okay naman siya and then sobrang happy naman ako na napaghiwalay nila si Juliana at si Kim Chiu.

“Yung parang sabi nila, ‘Kim mahal na mahal kita pero galit na galit ako kay Juliana!’” dugtong pa ng girlfriend ni Xian Lim.

Sabi pa ng dalaga, na gumaganap bilang asawa ni Paulo Avelino sa kuwento at nakipagrelasyon sa kapatid nitong si JM de Guzman, feel na feel niya ang mga kenegahang komento ng manonood kay Juliana.

“Ito yung masasabi kong hate that I love, yung hate messages that I love. Kasi siyempre sa career ko, sa social media platform ko naba-bash ka eh. Lalo na nu’ng 2020 (bawal lumabas).

Baka Bet Mo: Herlene Budol tumulong sa mga senior citizens at mga persons with special needs

“Yun ayoko talaga yun. Masaya talaga ako sa kind of hate na natatanggap ko. Nagpapasalamat ako sa mga director ko dahil pinapaulit nila sa akin kapag kumi-Kim Chiu levels, na ‘Uy Kim Chiu yan, ulitin natin!’ Na ang tiyaga tiyaga nila sa akin para maging si Juliana ako.


“Kaya malaki rin yung pasasalamat ko sa writers, sa creatives, sa directors namin. Sa lahat ng bumubuo actually ng Linlang. Kasi ito yung hate na nagustuhan ko. Keep them coming! I love it!” natatawang chika pa ng aktres.

Naloloka rin si Kim sa kanyang mga fans na Inis na Inis kay Juliana pero nagpapadala naman daw ng regalo sa kanya, kabilang na ang mga supporters niya sa ibang bansa.

“May mga gift sila sa akin. At saka yung comment box ko sa Instagram naging group chat na siya ng mga Juliana haters. Nakakatuwa na ganun yung experience nila sa show.

“Nagulat ako nu’ng nag-show ako, meet and greet, sabi nila, ‘Juliana!’ May iba, kinurot ako, ganyan. Minsan naman nagugulat ako sa airport, yung nagbubuhat ng maleta, sabi, ‘Ma’am, may ibang babae na po ba si Victor? Kasi kinakawawa niyo na siya!’

“So affected sila everywhere, kahit saan sila. So sobrang happy naman. May mga nagbigay na ng regalo sa akin Juliana pangalan ko tapos may message na ‘huwag kang mangabit, magpakabait ka.’

“Talaga ba?! Pero Balmain naman yung ibinigay kaya okay lang sa akin. Ha-hahaha! 70 years old na fan siya. Masaya naman. Double happiness!” sey pa ni Kim.

Read more...